FACEBOOK RULES: 5 Katangahan na hindi mo dapat pino-post sa Facebook





Ang laking tulong ng Facebook sa mga kabataan ng Pinas. Hindi mo na kailangan pang magpa-load ng cellphone pag may kailangan kang itanong sa kakilala mo. Madami kang makikilala (na minsan magsi-sisi ka na sana hindi mo nalang pala siya nakilala) at ito na ang pinaka advance na technology upang ikalat ang katangahan ng isang individual.

Tutal ang Facebook ay isang social networking site. Normal lang ang makipag socialize sa mga tao gamit ang iyong Facebook account. Pero hinay-hinay sa pagsha-share ng mga bagay sa Facebook. Lalo na kung aware ka na shu-shunga shunga ka minsan. Ito ang listahan ng mga bagay na hindi mo dapat i-post pa sa iyong Facebook account.

1. 'Wag mo i-popost ang number mo sa Facebook.

- Madami akong nakikitang nagpopost ng number nila sa Facebook. Tapos ang sasabihin pa nila:

"Eto po number ko 0921-angshunga-3145. Text me :)) Hindi po ako snob, pakilala po kayo"

Surang-sura ako sa mga naglalagay ng number nila sa Facebook. Tapos ilang oras makalipas pagkatapos nilang ipost number nila magpopost sila ng ganto:

"Kanino pong number ito? 0913211411. Mamatay ka na po. Napaka bastos, walang modo. Wala ka sigurong magulang"

Kasalanan mo yan. Pag nag post ka ng number mo 90% ang chance na may mag text sayo ng:

"Hi, kant*tan po :)

"Hindi ka na daw Virgin?
"Diba ikaw yung ex ni Mang Kanor
"Hindi na daw Virgin yung kaliwang butas mo sa ilong
"Laos na planking, Dapa padin dede mo

"Nanay mo may poser account. Naks famous

"Tangina mo sa lahat naman ng magbibigay ng number sa Facebook ikaw yung mukhang sinampal sa mukha ng cellphone"

Kaya, number 1 sa listahan, huwag mag-post ng number. Bukod sa madaming walang pake, mas madaming gusto kang pag-mumurahin para damang dama mo na wala talaga silang pake.

2. 'Wag mag post nang personal na problema sa Facebook

-Ito isa pa sa mga pinaka-ayaw ko. Lalo na yung mga problema sa family. 

Seriously, sa 2000 friends mo sa Facebook wala ni isa don ang may pake na may lumalandi sa papa mo.

"Nakita mong may pamilya na, lalandiin mo pa. Makati ka din eh" - Pinost ni Punyeta

Nakaka-asar. Family problem yan. Tapos pag nag comment ka naman ng:

 "Siguro naman kung faithful talaga ang papa mo hindi na din magiging issue yan"

Sasabihin pa sayo: 

"PWEDE BA WAG KANG MAMAKI-ALAM"

Tarantado! Gusto mong paluin kita ng padlock. Wag mo i-post kung ayaw mo may maki-alam.


3. 'Wag Mag post ng kabastos bastos na Pictures/Videos at sasabihin sa mga taong "No Bad Comments"

-Isa sa mga walang sense na bagay na nakikita ko sa Facebook. Lalo na 'yong mga 'Gimmie' videos. Ipa-pagpag at papatalbugin nilang maigi yung puwet nila sa harap ng camera tapos sasabihin:
 
"Please, No bad comments"

WAT? Anong ico-comment namin jan? PRAYERS? Inalog-alog mo yung puwet mo. Malamang magco-comment ang mga tao ng:

"Sarap mo, Meet tau minsan"

Or depende nalang kung yung mukha mo kamukha din ng inalog mong puwet. Hindi kami magba-bad comments. Mag-rerequest kami ng isa pang video. Public Apology naman.

4. 'Wag i-Post ang away niyo mag-jowa.

-Seroyoso, wala kaming pake kung may LQ kayo dahil hindi niya naalala na 3 weeks na pala kayong mag on today.

5. 'Wag mag PDA sa Facebook

-Lalo na kung kayo ay Shrek couples. Seryoso, hindi namin kailangang makakita ng picture niyo together na magka-kiss everyday. Kung ini-isip niyo na "Cute" dahil araw-araw kayong naghahalikan sa camera at proud kayong together forever. Pwes, Hindi cute. Lima sa sampung nakakakita ng Halikan Pics niyo ay nagmumura at yung other lima ay napapa-google ng:

"Paano mag-mumukhang aksidente ang pag-patay ko sa mga panget na couple na to"




Author: TEENAGE PINOY CRAP

Madalas kong i-criticize ang mga kapwa ko kabataan dahil sa mga paraan nila ng pagpapapansin at mga gawain nilang madalas makapagpainit ng ulo.

Ang creator ng Teenage Pinoy Crap ay isang teenager na madalas masura sa mga kapwa niya kabataan.



Facebook | Twitter | More Posts


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US