Anyare sa Pilipinas? #PakiexplainLabyu | The Filipino youth, Zamboaga war, Cebu-Bohol crisis, Pinoy pride


#ThrowbackThursday

Thursday na naman. Sigurado akong makikisabay ka na naman sa mga amiga mong magpo-post ng #THROWBACK pictures. Kailangan pa bang ipakita sa buong bansa ang ebolusyon mo?

Mas maganda sigurong alalahanin mo ang mga kasalukuyang nagaganap sa ating bansa. Nakakalungkot isipin. Maraming namatay dahil sa iba't ibang kalamidad. Marami ngayon ang uhaw at gutom at walang matitirhan. Maraming nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan sa ating bansa. Pagkatapos, ikaw? Sarili mo ang iniintindi mo? Paki-explain. Labyu.

#TGIO Thank God It's Over

The fighting might be over, but the crisis continues on as we have to face reality hence forward. 

Maraming natalo sa naganap na sagupaan sa Zamboanga City. Tatlong pulis, 14 sundalo, 12 sibilyan, 103 rebelde. Ito ang bilang ng mga namatay sa nakaraang bakbakan. Marami ding residente, negosyante at manggagawa ang nawalan ng tirahan at ikinabubuhay.

Ito ay isang pag-aaksaya ng panahon. Masakit. Nakakatakot.

Ganito na ba kasama ang tao ngayon? Buhay na ang kapalit makamtan lamang ang kagustuhan.

Hindi ba maaaring idaan na lamang sa usapan, hindi putukan?

Sino nga ba ang dapat sisihin kung bakit may mga rebeldeng Pilipino na handang pumatay ng kapwa Pilipino at ngayon ay banta na sa sariling bayan?

May iisa tayong bansa, may iisa tayong mithiin, iisa ang ating lahi. Bakit tayo nagkakasakitan? Hindi ba't tayo rin dapat ang nagdadamayan. Hindi iisang rehiyon, relihiyon o tao ang bansang Pilipinas. Ang Pilipinas ay tayo.

Twitter at Facebook

Hindi ka ba nahihiya. Kung anu-anong topics ang pinapa-trend mo sa Twitter at kung anu-anong status ang inu-update mo sa Facebook? Ni hindi mo man lang magawang mag-tweet ng #PrayForVisayas at mag-post ng "Bangon, Bohol" o "Kaya natin, Cebu." Paki-explain. Labyu.

Ang pagkawala ng buhay ng ilan at pagkasira ng mga pamana ng mga sinaunang Pilipino sa Bohol at Cebu ay magsilbi sanang aral.

Nagsisimula 'yan sa tao. Maraming naapektuhan ng lindol ngunit hindi naman lahat ay nagdanas nito. Dapat ay makiisa ang lahat kahit sa simpleng pamamaraan lang. Ipanalangin natin na sana ay muling makabangon ang ating mga kababayan mula sa isang malupit na trahedya. Nawa ay magkaroon sila ng lakas ng loob na muling bumangon sa isang umagang kay ganda at iwagayway ang ating bandila sa isang bagong taon ng ating buhay na muling hihirit sa sigla. 

FANSIGN

Fansign ba ka mo? Artista ka ba? Hindi naman ikaw si Anne Curtis o si Vice Ganda o baka naman gusto mo ring magpa-mug shot gaya ni Janet Lim Napoles. Paki-explain. Labyu.

Hindi naman talaga nakapagtataka na mayroong kababalaghang nangyayari sa Senado at Kamara.

Wala sana ngayong ang naghihirap na Pilipino kung naging tapat ang lahat ng mga pinunong iniluklok sa kani-kanilang pwesto. Nagtiwala si Juan dela Cruz sa magagawa nila para sa bayan.

Kung wala sanang pork barrel scam, madaling natulungan ng ating pamahalaan ang mga naapektuhan sa iba't ibang krisis at kalamidad.

Naghihirap si Juan upang may pantustos sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Nagbabayad siya ng buwis upang makatulong sa kaniyang bayan at kapwa at upang bigyan ng sahod ang mga lider na lingid sa kaniyang kaalaman ay nagnanakaw at pinagtataksilan ang sariling bayan.

Laging isinisigaw ni Juan na magkaroon ng hustisya at pagbabago sa lipunan. Lagi pa nga niyang pino-post sa kaniyang Facebook account "Vote wisely" ngunit wala namang nangyayari. Lalong lumalala. I-try kaya ni Juan ang kalihim ng Department of Justice na si Leila de Lima, ang chairperson ng Commission on Audit na si Gracia M. Pulido Tan, o ang commissioner ng Bureau of Internal Revenue na si Kim S. Jacinto-Henares bilang pangulo sa 2016 presidential election.

Kahit sino pa nga yata ang iluklok ni Juan sa pinakamataas na pwesto ay wala ring mangyayari. Kaya nawawalan na siya ng ganang tumulong sa sariling bayan. Uhaw na uhaw na si Juan. Walang sapat na impormasyon sa mga isyung panlipunan.

Huwag nang umasa pa na magkakaroon ng pagbabago ang bansang Pilipinas. Hayaan na lang na unti-unting tayong maubos dahil sa sakim na mga pulitiko. 

#SELFIE

PNoy, try mo kaya mag-selfie paminsanminsan para makita mo na ang tangkad pala ng pride. Simpleng sorry lang, hindi mo magawa. Paki-explain. Labyu.

Nawa ay nababasa mo ito PNoy.

Hindi malaking kawalan ang pagbigkas ng simpleng SORRY sa gobyerno ng Hong Kong.

Kasalanan iyon ng hostage taker. Oo, alam ko. Ngunit aminin naman natin na may pagkukulang ang bawat isa. Hindi naman ikaw ang Pilipinas. Hindi Pilipinas ang hostage taker. At wala namang mawawala kapag nag-sorry ka sa kanilang pamahalaan. Ito ay upang isara na ang isyung ito. Ilang taon na ang nakakalipas.

Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng bus hostage crisis sa Manila noong 2010 at hindi mo rin iyon gusto.

Huwag kang mag-isip bata. Ang paghingi ng paumanhin ay hindi ibig sabihin na natalo ka sa isang laban o ikaw ay nagkamali. Ang paghingi ng paumanhin ay isang pagpapakumbaba. Ito ang mas nakabubuti para maibalik ang tiwala ng mga dayuhan sa ating bansa.

FOURSQUARE

Ano traffic na naman? Ipo-post mo na naman sa Foursquare? Sino ka ba? Na kailangan i-update ang fans kung nasaan ka. Paki-explain. Labyu.


Ngunit hindi yata ito naging kaayaaya sa mata ng iba. Ang iba ay sinisisi ito dahil sa matinding traffic sa Manila. Ang iba naman ay idinidikit ito sa pulitka.

Simple lang naman ang ibig sabihin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kaniyang tweet na: “There is a message behind the INC event… If you are a politician and you don’t get it, you are a fool.”

Ngunit iba ang pagkaunawa ng ilan. Ang ibig sabihin ni Miriam ay “It cannot be gainsaid that clearly the INC does not find the Aquino administration fully competent to face the challenges of the times, meaning to say, the outrage, the titanic outrage over massive and deeply rooted corruption. The envelope has been pushed too far. As a matter of faith, they (members of the INC) want a regime change, even only in attitude, among our present corrupt politicians.”

Walang pasok? Ang pamahalaan ng Maynila ang gumawa ng resolusyon at hindi ang Iglesia Ni Cristo. Traffic? Hindi natin masisisi ang mga tao na pumunta sa dakong iyon upang humingi ng tulong na hindi naibibigay ng ating gobyerno. Magpagawa ng hospital? Kasalukuyan na iyong ginagawa kasabay ng Philippine Arena, ang pinakamalaking doomed arena sa buong mundo.

Ang mali kasi sa isang tao: Gawan mo ng mabuti o gawan mo ng masama, may nasasabi pa rin. Gumagawa ng isyu, gumagawa ng ingay. Tumulong ka rin kaya. Hindi puro ka salita wala namang nagagawa.

GM

Kailangan ba na mag-GM ka bago matulog? May mga tao ba na mababaliw at maiiyak kapag nakatanggap sila ng text galing sa iyo? Sa halip na manalangin ka habang natutulog, GM ang inaatupag mo. Paki-explain. Labyu.

Mas mabuti sigurong i-GM mo na iboto ang ang ating kandidata sa Miss Universe na si Ariella Arida. Ang iba naman diyan puro paninira ang ginagawa. Kung mananalo din naman 'yan, napakayabang mong magpost ng mga pictures nila sa Instagram na "Proud to be Pinoy." Gaya ng nanalo si Megan Young sa Miss World at Johanna Datul sa Miss Supranational. Kung anu-anong panlalait ang ginagawa. Ano'ng klaseng crab mentality naman 'yan.

New Seven Wonders CITIES

Napanood ko sa YouTube 'yong in-upload mong video tungkol sa isang lalaking nalulunod. Sa halip na tulungan mo ay kinuhanan mo ng video. Maituturing bang kabayanihan ang ginawa mo? Kasama ba 'yan sa New7Wonders? Ang masaklap ay in-upload mo pa sa Facebook na may caption na 1 LIKE 1 PRAYER. PLEASE SHARE. Ano'ng pagmamagaling 'yan? Paki-explain Labyu.

Sa halip na kung anu-anong videos at photos ang pino-post mo, tulungan mo ang Vigan City na makapasok sa New7Wonders CITIES.

Hindi naman nakakatulong sa bansa ang pagpo-post mo na nasa Starbucks ka, may Apol PadPad Air ka, may DSLR-kwintas ka, selfie na ugly ducling, may mga damit kang pang #OOTD, may cellphone kang Black BiBi, bumili ka ng gamit sa Online Store, bumili ka ng iPUN 5C, pictures mong in-edit sa Camera 360.

Buti pa ang mga scholars ng city government of Vigan, gumagawa ng napakaraming e-mail address at accounts para maka-vote sa New7Wonders kaya ayon sinusuwelduhan ng kanilang Mayora kaya nakapasok ang siyudad sa official list of finalists. Ikaw? Ano'ng hobby mo? Puro Instagram?

Online Contest

Balita ko sumali ka na naman sa isang online contest. Paramihan ng likes sa picture. Para ka ng kandidato na tumakbo sa eleksyon. Busy sa pamimilit ng mga taong magla-like ng picture mo. Ano'ng kabaliwan niyan? Paki-explain. Labyu.

Tiyak na naman na maraming siraan at awayan diyan sa iba't ibang barangay. Ipaasawa mo na kaya ang anak mo sa iba't ibang angkan sa barangay niyo para siguradong sa iyo lahat ng boto.

Para-paraan din 'pag may time

Ang ibang kandidato naman, busing-busy sa pamumulitika. Malayo pa ang 2016 national elections ay gumagala na sa mga lugar na nasalanta. Hindi niyo ba alam na kami ay nakakahalata?

May iba naman diyan. Barangay election lang, kumuha ng artistang susuporta sa kaniya. Comelec, hindi ba't P5 lang kada botante. Paano kung 2,000 botante lang ang nasa lugar niyo? P10,000 lang ang pambayad sa inupahan mo? Ang cheap naman. Paano mo naman mababawi ang lugi mo? Magkano lang naman ang sweldo ng isang barangay captain. Huwag mong sabihing kasama ka rin ni Napoles sa negosyo.

#FOODPORN

Nakita ko 'yong bagong upload mong picture sa Instagram. Kailangan ba na kada kain mo sa mga mamahaling restaurant ay photoshoot muna bago kain? Ano'ng pagfe-feeling sossy landi na naman ba 'yan? Paki-explain. Labyu.

'Yong totoo, ubos na ang mga ulam sa karinderia o feel mo lang kumain sa mamahaling restaurant? Bakit hindi mo na lang i-donate ang pambili mo ng mamahaling pagkain? Bakit hindi mo na lang ibigay ang pambili mo sa mga magulang mo?

Hindi ka ba nakokonsensya? Maraming gutom. Maraming naghihirap kung anu-ano ang inaatupag mo. Kung sa bagay, pera mo 'yan. Hindi ko pera. Wala akong pakialam.

Sa lahat ng magbibigay ng comments sa post na ito. Malaya kang sabihin ang opinyon mo. 
Ito ay aking opinyon lamang. May karapatan ako gayunpaman ay responsibilidad ko ang bawat salitang nakasulat dito.

Kung nagustuhan mo ito, may kalayaan kang i-share sa followers mo sa Twitter at Facebook.


Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

He is an organist and an officer of the Church of Christ (Iglesia Ni Cristo).

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Loading...

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US