PORK BARREL | Itigil ang mababoy na sistema ng mga buwaya



Photo from Inquirer
Ang Pilipinas ay nahaharap ngayon sa isang malaking eskandalo – ang maling paggamit ng ilan sa ating mga mambabatas ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Lunduyan ngayon ng mga Pilipino ang sakim na negosyanteng si Janet Lim-Napoles. Hindi ito ang unang isyung kinasangkutan ni Napoles. Ang kaniyang pangalan ay una ng nadawit sa PDAF scam noong 2003 at Fertilizer Fund scam noong 2004.


Ano ang PDAF? Ang PDAF, na ang karaniwang tawag ay pork barrel, ay perang inilalaan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan para sa miyembro ng kongreso. Ang bawat kongresista ay mayroong P70 milyon sa bawat taon habang ang isang senador naman ay nabibigyan ng P200 milyon bawat taon. Malaya nilang nadedesisyonan kung paano gagastusin ang inilaan para sa kanila. Umaabot na sa P27 bilyon ang halaga nito na nakalaan sa pambansang budget para sa susunod na taon. Ang pork barrel ay perang mula sa kaban ng bayan.

Ipinakita ng Commission on Audit (COA) mula sa kanilang ulat patungkol sa paggamit ng pork barrel fund mula 2007 hanggang 2009 ang higit na mas malaking halagang nawaldas kaysa P10 bilyong nasamsam ni Napoles at ng mga nongovernment organizations (NGOs).


Habang ang karamihan ay nakakaranas ng kahirapan, ang mga pulitiko ay nagsasaya gamit ang perang hindi sa kanila ngunit para sa taumbayan. Paano sila humantong sa ganitong antas ng katiwalian?


“Kung walang corrupt, walang mahirap, ” ganito ang sinabi ng Pangulong Aquino sa harap ng maraming taong naniniwalang may pagbabago pa sa isang matuwid na daan.

Nanatili itong isang panaginip.

Hindi problema ng ating bayan ang pera. Ang mga tao ay nagbabayad ng sapat na buwis.

Maraming tao ang naghihirap magtrabaho para kumita ng malaki para sa pamilya.

Minsan sa tatlong taon lang naririnig ang boses ng karaniwang tao. Nakakasawa na ring bumuto kung minsan. Kasalanan kaya nating mga botante kung bakit ganitong uri ng mga pinuno ang naluluklok sa puwesto? Hindi natin ang alam kung ano ang kalakaran sa loob at labas ng Senado at Kongreso. Hindi natin alam kung saan ba talaga nilalagay ang ating pera. Ang gawain ng mga mambabatas ay gumawa ng mga panukala at hakbang para sa taumbayan. Hindi kabaling sa kanilang tungkulin ang manloko ng mamamayan.

Marami sa ating mga kababayan ang nasalanta ng bagyong Maring at habagat. Marami sa ating mga kababayan ang walang pagkain. Marami sa ating mga kababayan ang walang tirahan. Marami sa ating mga kababayan ang walang pantustos sa kanilang pag-aaral. Marami sa ating mga kababayan ang walang magugol para sa gamot. Marami sa ating mga kababayan ang nakapagtapos ngunit walang trabaho. Marami sa ating mga kababayan ang naghihintay ng tulong mula sa pamahalaan.

Nawa ay maisip ng mga pulitiko kung gaano kalaki ang halagang nauubos sa hindi maayos na paggamit ng pork barrel. Marami na sanang natugunan ang kanilang mga pangangailangan. Kung nagamit nang maayos ang halagang inilaan para sa kanila – may sapat sanang mga silid-aralan at mga aklat para sa mga batang nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral, may mataas sanang sahod ang mga manggagawa, may mga mas matibay sanang imprastraktura sa bawat probinsya, may sapat sanang kagamitan ang gobyerno upang protektahan ang ating mga kababayang nasalanta ng kalamidad, may sapat sanang proteksyon upang depensahan ang ating teritoryo laban sa mga malalaking bansa, may sapat sanang pabahay para sa mga taong nakatira lamang sa gilid ng kalsada o sa ilalim ng tulay.

Kung ang pagiging isang lider ng isang bayan ay isang serbisyo publiko, hindi na kailangan pa ng mga buwaya ang magpakabusog sa matabang baboy. Kung walang baboy sa isang bariles, wala nang tukso ang mga buwaya na kumain ng kapwa nila buwaya at kunin ang karapatan ng mga mas maliit, wala na sanang dinastiya.

Nagtiwala ang taumbayan sa mga taong nakaupo ngayon sa kani-kanilang mga puwesto. Kung walang abusado at gahaman, uunlad ang Pilipinas!

Nawa ay kami naman ang pakinggan. Sa pagkakataong ito, nakikiusap ang taumbayan. Bigyan na sana ng wakas ang pork barrel system. Hangad namin ang isang maunlad na bayan. 


Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US