TIMBANGIN ANG ISYU: Vice Ganda vs Jessica Soho



Vice Ganda and Jessica Soho Doodle Sketches by asoulofanartist
Kumakalat ngayon ang isang video (CLICK TO WATCH VIDEO) ni Vice Ganda na nakunan sa kaniyang concert sa Araneta noong May 17. Ito ay tungkol sa Vice President for News ng GMA News and Public Affairs.

Ito ang ilan sa kaniyang mga linya:

Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, 'Ipasa ang lechon.' Sasabihin naman ni Jessica, 'Eh nasaan yung apple?'
Ang videong ito ay pinag-usapan maging ng mga GMA News reporters (CLICK TO READ TWEETS) kabilang na rito si Arnold Clavio na naglabas ng sama ng loob sa komedyante:
Papatulan ko na siya kasi pag di natin siya sinita, hindi natin alam sino pa’ng isusunod niyang biktimahin. Si Nancy Binay noon, tapos si Jessica Soho. Bakit mo binibiktima ang mga taong seryoso sa trabaho nila? Huwag mo silang kasangkapanin para lang makapagpagpatawa. Bakit hindi taga-diyan sa inyo ang gawin mong subject ng jokes mo? Baki hindi taga-ABS? Hindi ba bullying ang ginawa niya kay Jessica Soho?
Bago ako magbigay ng opinyon ay nais ko munang sabihin na wala akong kinakampihan sa dalawa.
Nais ko lamang timbangin ang isyung ito.

1. Sa kaniyang show na State of the Nation with Jessica Soho ay naglabas siya ng kaniyang statement: "Ang RAPE ay isa pong paksa na di dapat maging laman ng BIRO." (CLICK TO READ STATEMENT) Ang isyu sa tingin ko ay hindi tungkol sa mga rape victims dahil wala naman siyang binaggit. Ang isyu ay ang sinabi ni Vice na pagbo-bold star ni Jessica. Ano ang opinyon ninyo sa videong ito? Hindi ba't ginawa ring katatawanan ang isyung rape dito?


2. Alam kong matalino si Jessica at ang mga tao. Ang mga taong ito dapat ang nakakaintindi na ito ay isang BIRO lamang. Hindi ko maintindihan ang mga tao kung bakit nakukuha pa nilang manood ng isang comedy show, pakinggan ang isang biro, at pagtuunan ng pansin ang isang walang kwentang linya. Bakit mo papatulan ang isang biro kung alam mong hindi ito totoo o hindi ito mangyayari?

3. Nauunawan ko ang trabaho ni Vice Ganda - ang magpatawa. Nakakatawa nga ang sinabi niya para sa ibang manonood ngunit bakit kailangan pa niyang buksan ang ganitong isyu?

4. Madami nang linyang binitawan si Vice ngunit ito sa tingin ko ang pinag-usapan. Tanong lang. Kung isang ordinaryong tao lamang ba ang binanggit niya ay pag-uusapan ito? Kung hindi ba si Jessica Soho ang binanggit niya ay walang ganitong isyu? Kung nanay ba ni Vice ang binanggit niya, paano magre-react ang nanay niya? Kung nanay ko ba ang binanggit niya, paano ko tatanggapin ang kaniyang biro? Lahat ba ng biro ay tama? Lahat ba ng biro ay nakakatawa? Nasa tao ang sagot. Hindi natin alam kong paano tatanggapin ng isang tao ang isang salita. Maaaring nasaktan siya. Maaaring sa iba ay ito lamang biro na hindi dapat seryosohin. Hindi natin alam kong paano timplahin ang ating mga ugali sa dami ng mga taong may iba't ibang uri ng panlasa. Nasa tao iyan kung paano niya bibigyan ng interpretasyon ang isang biro at kung paano niya ito tatanggapin.

5. Ang isyung ito ay isyu ni Vice at ni Jessica. Bakit kailangan ko pang lumahok sa usaping ito? Bakit kailangan mo pang isali ang iyong sarili sa paksang ito? Bakit kailangan pang isali ni Jessica Soho ang mga rape victims dito (This should not be about me but about the rape victims…)

Vice Ganda, alam kong madami ka nang napatawa. Ngunit bakit kailangan mo pang bumanggit ng pangalan?

Jessica Soho, alam kong disenteng tao ka. Matalino. Alam kong may sarili kang opinyopn ukol dito ngunit wala tayong magagawa. May mas nauna nang nagbigay ng komento. May mga taong nakapaligid sa iyo. Buksan mo ang iyong pang-unawa.

Ito dapat ay pag-usapan ng magkabilang panig.

Ang isyung ito ay hindi tungkol sa kung ikaw ay Kapamilya, Kapuso o Kapatid. Ang isyu dito ay respeto. Ang isyu dito ay kung papaano mo tatanggapin ang narinig mo.

Nahati na ang sambayanang Pilipino ukol sa isyung ito. Bakit? Dahil si Vice ay isang komedyante, isang Kapamilya. Dahil si Jessica ay isang news anchor, isang Kapuso. Kung wala ang ganitong dibisyon ng bawat Pilipino, mauunawan natin ang kwento sa loob ng kwento, ang salita sa loob ng salita.

Ganito ang binitiwang salita ni Arnold Clavio:


Bakit hindi taga-diyan sa inyo ang gawin mong subject ng jokes mo? Baki hindi taga-ABS?
Nagawa na ito ni Vice. Mula kay Kris Aquino, Boy Abunda, maging ang CEO ng kaniyang network na si Charo Santos-Concio. Ang sagot lang dito ay may kani-kaniyang tayong uri ng pagtanggap sa isang biro. Si Nancy Binay nga hindi napikon sa mga panghuhusga ni Vice sa kaniya.

Kaya lumawak lang ang isyung ito ay dahil sa mga taong MAHILIG SA USO.

May mga taong sasabihin na "Mali talaga si Vice." May iba naman na galit talaga sa kaniya simula pa noong una kaya ito na ang pagkakataon nila. May mga taong bukas ang isip sa pagtanggap sa mga biro ngunit sasabihing mali talaga ang ginawa ni Vice. May iba naman na sadyang pinipilit baliktarin ang utak ng mga tao. At lalong may mga tao talagang maka-Kapamilya at maka-Kapuso kaya mahilig makisawsaw sa isyung ito.

Ang sa akin lang, maging open-minded tayo sa tamang lugar at magbiro tayo sa tamang lugar. Huwag gawing big deal ang isyung ito. Hindi ito tungkol sa iyo, sa nanay o sa lola mo. Huwag mong iugnay sa lahat ng tao ang isyung ito.

Natural na sa atin ang magbiro tungkol sa weight at rape. Ang tanong. Sumubra ba si Vice sa kaniyang joke? Media ang may kasalanan dito. Ginagawa nilang malaking isyu ang isang maliit na usapin.

Sa bawat mamamayang Pilipino, huwag masyadong maging panatiko. Dito nagsisimula ang away. Malaki ang ambag ng media sa pagbilog at paglason ng ating isipan. Huwag magpadala sa liko. May mga bagay na dapat nating mas pagtuunan ng pansin.
  
Hindi ito isyung pambansa para pag-usapan ng sambayanang Pilipino. Hindi mababago ng joke ni Vice ang buhay mo. Hindi ka yayaman sa mga salita ni Jessica Soho.




Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US