Si Nancy Binay at ang Pinoy



Bago ninyo ipagpatuloy na basahin ang artikulong ito, nais ko munang sabihin na hindi ko ine-endorso o inendorso si Nancy Binay. Sa katunayan, ako ay gumawa ng isang open letter para sa kanya: "Para sa Nanay de Pamilya sa Senado, Nancy Binay."

Kumalat ang artikulong "Philippines Named ‘Most Stupid Country to Elect a 20-Year OJT as a Senator’ by Time Magazine" sa social media. Sasabihin ko ang totoo. Hindi ko pa nababasa ang laman ng artikulong ito ngunit nakalulungkot isipin kung paano mag-react ang Pinoy. Sa mga post pa lang sa Facebook at tweets sa Twitter ay alam ko na ang laman nito. Ang ibang artikulong isinapubliko ng 'sowhatsnews' tungkol kay Nancy ay nabasa ko na.

Hindi ako naniniwala at hindi ako makapaniwala na ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga artikulong SATIRE.

Binabasa mo ito. Samakatuwid ay nakatapat ka sa isang computer, laptop, tablet, o smartphone. I-Google mo ang salitang SATIRE.

Ang isyu dito ay hindi si Nancy. Ang isyu dito ay hindi ang artikulo. Ang isyu dito ay ikaw, tayo, mga Pilipino. Bakit ang galing nating maghusga ng kapwa nating Pilipino?

Kasama niyo akong bumatikos sa kaniya. Tapos na ang eleksyon. Ano ang magagawa ko? Nandiyan na ang hatol ng bayan.

Tama bang tawagin natin na walang kwenta ang Pilipinas dahil nagluklok tayo ng isang trainee? Para namang sinasaksak natin ang ating mga sarili.

Para naman nating sinabing, "Hoy mga Amerikano, bobo kaming mga Pilipino."

Sino ba ang dapat sisihin?

Si Nancy na nga siguro ang kandidatong humarap sa napakaraming batikos. Mula sa kanyang kulay, mula sa kanyang pagiging assistant sa kanyang mga magulang hanggang sa mga debateng hindi niya nadaluhan. Minsan ba ay natanong natin sa kanya, "Ikaw Binay, bakit lagi kang absent sa mga forum at debate? Sa Senado din ba ay palagi kang a-absent? Ano ang kakayahan mo? Ano ang maipapangako mo?"

Nais ko kayong tanungin. Ilang mga Pilipino ang nasa Facebook? Ilang Pinoy ang may Twitter account? Lahat ba ay botante? Kinakatawan ba ng social media ang 52 milyong rehistradong botante?

Social media ito. Hindi ito ang Pilipinas. Ang Pilipinas ay nasa labas ng Facebook. Ang totoong buhay ay nasa labas ng Twitter.

Walang karapatang magreklamo ang mga taong hindi bumoto. Mas lalong walang karapatang magreklamo ang mga taong nagbenta ng kanilang mga boto.

Hindi natin alam kung ano ang nasa isip ng bawat botanteng Pilipino. Hindi natin alam kung sino ang gusto ng bawat tao. Ni wala tayong alam kung papaano sila nanalo.

Ito ba ay dahil sa may nakadikit sa kani-kanilang mga pangalan? Ito ba ay dahil sa kanilang kulay? Ito ba ay dahil sa kanilang isinusuot? Ito ba ay dahil sa kanilang political advertisement? Ito ba ay dahil sa mga nag-eendorso sa kanila?

Sa puntong ito, nais kong maglatag ng mga mungkahi para sa bawat isa. 

Bigyan natin ng pagkakataon ang bawat isa para pamunuan ang mga mamamayan ng lipunang ito. Pagkatapos ng tatlo, anim na taon, tanungin mo sa iyong sarili, "Karapatdapat pa rin ba siya?"

Huwag mong ibenta ang iyong boto. Para mo na ring binebenta ang iyong kaluluwa, ang iyong anak, ang iyong pamilya.

Para sa mga lider, paano ninyo nagagawang matulog ng mahimbing kapag may nagagawa kayong mali? Paano ninyo binabalikan ang mga mamamayang tumulong sa inyo upang iluklok kayo sa inyong mga puwesto? Ang pulitika ba ay isang negosyo? Paano ninyo nababawi ang milyun-milyong perang ginugol ninyo para makuha ang matamis na oo ng bawat Pilipino? Pagkatapos ng eleksyon, sino ang nauuna ninyong naiisip - ang inyong sarili o ang inyong mga nasasakupan?

Mahirap ang buhay ngayon. Ngunit hindi dapat ito ang gawin ninyong dahilan para iboto kayo ng sambayanan. Murang pagkain? Maraming pagkain? Ang hinahanap ng Pinoy ay hindi pagkain kundi trabaho. Bigyan niyo ng trabaho ang bawat mamamayan. Trabahong may sapat na kita. Trabahong matutustusan ang pangangailangan at edukasyon.

Sa mga Pilipinong binabasa ngayon ito, paano ninyo pinapakita ang pagmamahal ninyo sa ating bayan?

Ang pagsusuot ng damit na may kulay asul, puti at pula? Ang magsakripisyo gaya ng ginawa ni Rizal? Ang magsiraan?

Para sa bawat isa, sa usaping demokrasya, lahat tayo ay may pantay na pagtingin sa bawat isa. Huwag masyadong magpaasa ng mga tao, nakakaumay 'yan. Huwag masyadong manira ng pulitiko, nakakasira yan ng buhay. 

Pagtuunan dapat natin ng pansin kung paano natin matutulungan ang bawat isa. Pagtuunan natin ng pansin kung paano tayo makatutulong sa pamahalaan. 

Si Nancy Binay ay isang Pilipino. Simple lang ang nais kong ipaunawa. Pilipino ka kung nauunawan mo ang binabasa mo ngayon. May isa tayong wika. May isa tayong layunin. Hindi ba dapat ay iisa din ang ating pag-iisip? Isang malaking pagkakamali na inapi natin si Nancy. Tanggapin natin na ang ginawa nating pangungutya sa kanya ay nagdulot ng pagpasok ng isang baguhan sa pulitika. Bigyan natin siya ng pagkakataon na ipakita kung ano ang kaya niya. Ibigay natin sa kaniya ang ating suporta. Anim na taon lang ang hinihingi niya. Pagkatapos noon, kayo na ang hahatol. 

Naniniwala ako na hindi bobo ang Pinoy. 

Ang boto natin ay iisa ngunit marami tayo kung sama-sama. Sa susunod na eleksyon, magkaisa tayo. Tanggalin ang sinumang hindi tumupad sa kanilang mga sinumpaang pangako. Naniniwala ako na sa susunod eleksyon, maghahari ang karaniwang tao. 

Gamitin natin ang utak sa susunod, huwag ang palad. Hindi ka mabubuhay ng isang libong piso sa tatlong taon.

Kahapon ang pambabatikos. Ngayon ang pagtutulungan. Bukas ang pag-angat ng bayan. Kung araw-araw tayong magbabangayan, paano ngayon ang bukas? Magkaisa muna!

Mahalaga ang boses mo. Sa 2016, sama-sama tayo. May nais ka bang sabihin sa ating mga lider? May mensahe ka ba sa iyong kapwa Pinoy? Ano ang mga mithiin mo para sa Pilipinas sa taong 2016? I-share mo sa amin. Pag-usapan natin kasama ang bawat Pilipino. I-send mo sa paulgeniusboy@yahoo.com.

Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US