PROKLAMASYON | Binalewala ng Comelec ang boto ko



Photo from Philippine Star
Naiproklama na ng National Board of Canvassers ang anim na nangungunang kandidato sa pagka-Senador.

Hindi ako tutol dito. Kita naman. Sa PARTIAL UNOFFICIAL tally pa lang, angat na ang pangalan nila.

Ngunit ang masakit siguro para sa akin ay ang pagmamadali ng Comelec na iproklama ang anim na ito. Marami na naman akong nabasa sa Twitter na nagtatanong kung bakit hindi sumipot si Nancy Binay sa proklamasyon.

Siguro ang dapat na itanong natin, "Paano ang boto ko? Nasaan ang boto ko?"

Bago maiproklama ang anim na senators-elect, 72 (first proclamation; 113- second proclamation) certificates of canvass o 13,384,981 boto pa lamang ang na-canvass ng NBOC gayong mayroong 301 COCs. 

Para naman nilang sinabing, walang kwenta ang boto ng ibang rehistradong Pilipino. 

Igalang niyo naman ang mga Pilipinong lumahok sa halalan. Nakipagsisikan sa mahabang pila, nagbabad sa araw. 

Ang usapin dito ay hindi tungkol sa kung sino ang nangunguna, hindi ito tungkol kung sapat ba ang mga botong ito para mai-proklama sila, hindi ito tungkol kung mababago ba ang bilang ng bawat isang kandidato. Mahalaga ang boses ng bawat isa. Parang hindi magandang tingnan na nagpo-proklama na, hindi pa pumasok ang boto ng karamihan. 

Bakit nga ba nagmamadali ang Comelec?

Para hindi maisip ng mamamayan na pumalya sila ngayong eleksyon. Pinili natin ang automated elections dahil sa alam natin na mas mapapadali ang bilangan, walang dayaan. Ang nangyayari ngayon, wala pa sa kalahati ang na-canvassed. 

Ganyan talaga ang buhay sa Pinas. FILIPINO TIME eh. Hindi naman tayo KANO!

Bakit mape-pressure ang Comelec sa media? Hindi naman sila ang boss ni PNoy. Ang mga botante ang boss ng ating Pangulo. Maliban na lang kung si PNoy pa mismo ang nagpapa-rush ng proclamation. Sana naman, habang delayed ang transmission sa ibang lugar ay walang milagrong nagaganap. Ang media ang boses ng bawat botanteng Pilipino. Ang media ang kasangkapan ng bawat mamamayan upang malaman ang mga pangyayari sa ating lipunan. Wala ba talagang respeto ang Comelec sa mga lumahok sa halalan? 

Pambihira naman! Balewala lang pa sa Comelec ang boto ko. Tig-sa na nga lang kami ng kapangyarihan, hindi pa binigyan ng pansin. Minsan na nga lang kami sa tatlong taon na marinig, hindi pa kami dininig.

"It is a defective proclamation sapagkat hindi kasama dito 'yung number of votes obtained by the candidates. Parang binabalewala mo ang nasabing boto ng mga botante. Kung ako ang senador na prinoclaim, isasauli ko ng buong galang sa Comelec ang nasabing certificate of proclamation. Sapagkat ang pagtanggap mo niyan ng walang boto ay katumbas ng pagtataksil mo sa mga bumoto sa 'yo, sapagkat iniiwan mo silang lahat." - Atty. Romulo Macalintal

Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US