Jollibee: Ang Mukha ng Batang Pinoy



Nang dumaan ako sa Tumblr, nakita ko ang isang larawan ni Jollibee. Ang Jollibee noon at ngayon. Hindi ko sukat akalain, ang laki nang pinagbago ng kaniyang mukha.

Malaki ang itinaba niya. Ang dati niyang mukha ay parang si Kokey. Lawlaw pa ang damit niya noon.

Napaisip ako tuloy. Ang bilis pala ng araw.

Kung dati, gusto kong kumain ng fried chicken sa Jollibee. Ngayon, mas gusto nang kumain sa Kenny Rogers Roasters at Kentucky Fried Chicken. Noon, ayos na ang isang Jollibee spaghetti. Ngunit ngayong bumibilis ang takbo ng araw, laging naghahanap ng Goldilocks cake, Greenwich lasagna, Shakey's mojo potatoes at pizza ng Pizza Hut. Hindi pa nakontento ng lasang Pinoy, pati Chowking, Tokyo Tokyo, at Starbucks, pinatulan.

Ang pagbabago sa bawat oras, sa bawat panahon ay hindi natin maikukubli. Si Jollibee ay katulad din ng isang tao. Ang kaniyang mundo ay katulad din ng ating mundo.

Nagbabago ang aspeto at pananaw sa buhay ng isang tao. Minsan, nakakalimot tayo na naging bahagi tayo ng sarili nating kasaysayan. Nakakalimutan natin ang mga araw na nagdaan.

Sa paglipas ng panahon, sino ang nakakasama mong kumain sa bawat araw? Baka nakalimutan mo nang isama ang iyong mga magulang. Sa paglipas ng panahon, sino ang nakakasama mong lumabas sa bawat araw? Baka nakalimutan mo na ang iyong mga kaibigan. Sa paglipas ng panahon, sino ang nakakasama mo sa bawat kasiyahan? Baka nakalimutan mo na ang mga taong minsan ding nagbigay ng saya sa iyo. Sa paglipas ng panahon, sino ang nakakasama mo sa panahon ng hirap at lungkot? Baka nakalimutan mo na ang mga taong minsan ding umalalay sa iyo.

Sa paglipas ng panahon, may mga bagay at mga taong nakasama natin.

Si Jollibee ay isa lamang mukha ng isang batang 90s. Minsan din tayong naging bata. Ngunit nakalimot tayo sa mga nagdaang panahon. Mas pinili mong makasama ang mga taong ngayon ay nasa paligid mo. Mas pinili mong maglakad sa isang mundo na ngayon ay ginagalawan. Magbalik tanaw ka. Isipin mo ang mga taong minsan ding nagpasaya sa iyo, mga taong nagpinta ng kasiyahan sa iyong mukha. Matatanto mo, ang sarap palang balikan ang nakaraan. Masaya palang maging bata.

Maliban kay Jollibee, may isang karakter din na nagpasaya sa atin. Ang karibal niya, si McDonald.



Ngunit may isa akong tanong. Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin natatalo ni McDonald si Jollibee?

Hindi kaya dahil mas gusto talaga ng kabataang Pinoy si Jollibee dahil sa katabaan nito? Ito ba ay dahil sa mas maganda ang ngiti niya kaysa McDonald? Dahil ba mas gusto ng Pinoy ang isang bubuyog, hindi ang isang pato? Ito ba ay dahil mas masarap ang lasang Pinoy o hindi kaya ay malaki marahil ang bibig ni McDonald?

Hindi ko masasagot ito dahil hindi ko naman alam ang trip ng bawat isa. Basta ang alam ko, sa paglipas ng panahon ay magbabago muli ang mukha ng dalawa at mukha ng Pinoy.

Hindi natin alam. Baka bukas, may bagong violet dress si Jollibee at pink naman kay McDonald. Baka sa susunod na linggo, magpapakasal ang dalawa. Baka sa susunod na buwan, magkakabuhok si Jollibee at magpapaunat ng buhok si McDonald. Baka sa susunod na taon, papayat si Jollibee at tataba ang isa. Baka sa susunod na dekada, bra at panty, briefs na lang ang suot nilang dalawa.


Kagaya dito sa Pinas. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o sa susunod na araw. Ang mayaman ba ay patuloy sa pagyaman? Ang mahirap ba ay patuloy na maghihirap? Ang laban ba ng puti at lila ay magpapatuloy? Magbabati ba ang mga dating magkaaway? Lalago ba ang ekonomiya? Mapupuksa ba ang kahirapan? Ang mga kabataan ba ay patuloy na susulong para sa pagbangon ng bayan?

Ito ang dapat nating abangan - ang buhay natin sa susunod na araw.




Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

He is the organist and an officer of the Church of Christ (Iglesia Ni Cristo).

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US