BOBOtante ka ba? | Gabay sa Pagboto



Amoy putik. Amoy plastik. Amoy buwaya! Mabaho na naman sa Pinas. Eleksyon naman kasi. Nagkalat ang mga taong galing sa putik na nagmamalinis, mga tao plastik na malapit nang masunog, at mga taong buwayang sagabal sa daan.

Maraming pakulo. Maraming gimik. Uto-uto ka naman? 

Hindi na ako magpapaligoy pa. Oo, ang bobo ng ilan sa atin na mga botante. Paulit-ulit. Ilang eleksyon na ang nagdaan.

Ano ba ang karaniwang sinasabi ng tao? 

"Hindi naman iyan mananalo, hindi na ako boboto. Sayang ang boto ko. Hindi ko na siya iboboto. Sayang ang boto."

Sino ba ang gusto mong maging lider ng ating bayan? Ang mga anak ng mga bigating pangalan? Teka. Isipin mo. Hindi ito, monoployo ng iilan. Kasama ang bawat mamamayan sa takbo ng pamahalaan.

"Bahala na ako sa makikita ko sa balota. Iilan lang ang kilala ko. Gagaya na lang siguro ako."

Wow. Nahiya naman ako. Ilang oras ka bang nagu-update sa Facebook account mo? Ilang oras ka bang nagtwe-tweet sa mga followers mo? Ilang oras ka bang nanonood ng YouTube videos? Kung maglalaan ka ng oras para magbasa ng mga adbokasiya ng ilang mga kandidato, may kilala ka na. Alam mo kung sino ang panig sa iyo. Mag-search ka sa Facebook ng pages at accounts nila. Tingnan mo kung anu-ano ang pinagsasabi nila sa Twitter. Panoorin mo sa YouTube ang kanilang political ads. Pagkatapos mong gawin lahat iyon, magtanong ka sa sarili mo. Totoo kaya ang sinasabi nila?

"Hindi na ako boboto. Walang magbabago. Ano'ng magagawa ng isang boto?"

Diyan ka nagkakamali. Bumuto ka ng tama. Mag-isip ka ng tama.

Ang pagiging pulitiko ay hindi isang trabaho. Ang pangunguna sa bayan ay hindi isang negosyo. Ang pagboto ay hindi isang panindang kakanin na maaari mo ibenta sa kung sinu-sino. Karapatan mo 'yan. May kalayaan kang pumili.

Ngayon, sino ba dapat talaga ang iboto?

Lumabas ka sa bahay niyo. Magbilang ka ng tarpaulin. Manood ka ng telebisyon. Magbilang ng mukha ng kandidato. Sino ang may pinakamaraming political ads? Hindi dahil gwapo, iboboto mo. Hindi dahil marami ang mukha, marunong sa pamamahala.

Simple lang ang gusto kong maunawaan ninyo. Pagkatapos ng eleksyon, kumusta naman? Magkano ang bayad ng tarpaulin? Baka naman sa kaban ng bayan sisingil. Milyon ang pinag-uusapan dito. Hindi lang ito piso na pambili ng candy. Maraming Pilipinong gutom. Maraming Pilipinong uhaw. Kung gutom ka, huwag kang magpabayad. Kung uhaw, huwag sa kung saan-saan iinom ng tubig. Kasalanan din ng bawat botante kung bakit naghihirap ang bansa. Ilang eleksyon ang nagdaan, ganito pa rin ang nangyayari. Sa mga lider naman, kung mangampanya, parang buong palasyo gustong ibigay sa bawat isa.

Nakakaumay na tuloy ang magpaloko. Nakakaumay na tuloy ang makinig sa radyo. Nakakairita nang magbukas ng telebisyon. Nakakainis ng magbasa ng dyaryo.

Kung ayaw mo ng masaganang bansa. Gawin mo na lang ito para sa iyong mga anak. Kawawa naman ang anak mo. Walang magandang kinabukasan.

Pumili ng tamang kandidato. Huwag magpa-uto. Bantayan ang boto.

Kung gusto mong maging bahagi ng kasaysayan, bumuto ka ng tama para sa kinabukasan. Limutin na ang nakaraan. Ngayon ang panahon. Ngayon ang tamang araw.
Huwag maging BOBOtante

Share niyo ito sa iba para lahat tayo magigiting na botante sa susunod na eleksyon.


Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

He is the organist and an officer of the Church of Christ (Iglesia Ni Cristo).

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US