San Juan and the ‘Sarmientos’

Posted on 4/21/13 6:51 PM


Sa maraming lumipas na taon, ang bayan ng San Juan sa Ilocos Sur ay pinamunuan ng dati nitong alkalde na si Benjamin Sarmiento.

Sa bawat eleksyong naganap, naging masugid ang pagtanggap ng mga tao sa pagtakbo nito bilang isang lider. Katulad ng pasuporta sa kanya, ang mga kapartido nito sa pulitika ay nananalo at naitatalaga sa katungkulan

Sa kanyang pamumuno, maraming mga proyekto ang naipagawa lalong-lalo na sa aspetong pang-trasportasyon, industriya at agrikultura.

Ang mga bako-bakong kalsada sa mga barangay na nasasakupan ay unti-unting napaayos. Kasama din ang dati nitong pamilihan na sa kasalukuyan ay tinatamasa na ng mga tao na nakatira roon. Ang dati nitong munisipiyo ay nagkaroon ng bagong mukha katulad ng unti-unti nitong paglago at pag-angat.

Nabahagian din ng mga gamit pangsaka ang mga magbubukid.

Bukod pa dito, pinagyaman din ng alkalde ang aspetong pang-turismo. Ipinaayos nito ang ilan sa magagandang pasyalan sa lugar. Naging kilala ang bayan mula paboritong nitong pasyalan– ang “Tapao”.

Mas lalo pang nakilala ang lugar ng higit na suportahan ng alkalde ang buri bilang isa sa mga pangunahing produkto ng nasabing bayan. Ito ay nagbukas ng trabaho at oportunidad sa maraming tao roon.

Nagkaroon din ng libreng edukasyon sa ilang mga mag-aaral mula sa mga iginawad nitong scholarships sa mahihirap.
- - - - - - - - - -

Noong nakaraang eleksyon, matapos ang panunungkulan nito bilang alkalde, tumakbo sa parehong posisyon ang anak nitong lalaki – si Bernard. Sa biglaang pagsabak sa pulitika, marami ang nagtaka sapagkat ito ay wala pang masyadong mabigat at matagal na karanasan sa gobyerno at panunungkulan. Marami rin ang nagtaka sa ‘di pag-endorso ng dating mayor sa matagal at kasalukuyang bise-alkalde ng lugar. Naging mainit tuloy ang usapin sa pagiging “political maneuver” ng anak sa ama upang sa ganoon ay maipagpatuloy ng dating alkalde ang pamamalakad sa nasabing bayan. Ayaw bitiwan ng dating mayor ang katungkulan kahit pa ito’y tapos na sa termino. Higit pa sa isang political dynasty, ang mukhang pagpasa ng ama sa anak ay binigyang kahulugan bilang monarkiya sa pulitika. 

- - - - - - - - - -


Katulad ng pagsuporta sa ama, naging masugid din ang pagsuporta ng mga tao sa anak nito.

Sa nakaraang eleksyong pangangampanya ng mga kalaban sa ilang mga barangay, tuwirang ipinahahayag ng mga tao sa mga ito ang lubos na pagsuporta sa anak ng dating mayor.

“Awan ti nangnangruna a makatulong kadakami. (Wala sa sinuman ang mas higit na makakatulong sa amin)”, sabi ng mga tao.

Naging matagumpay ang kauna-unahang pagsabak ng anak sa pulitika. Ipinagpatuloy nito ang ilan sa mga naudlot na proyekto at programa ng ama. 

- - - - - - - - - -

Higit sa ano pa man, hindi ba’t ang dapat na pagtuunan ng pansin ay kung paano nagampanan ni Bernard ang tungkulin bilang alkalde sa bayan? Kung tunay man ang pakikibahagi ng ama, hindi ba’t ito ay tama lamang sapagkat ito ay may higit na kaalaman at karanasan? Sa ibang salita, ang ama ang siyang naging adviser upang magampanan ng mas mabuti ang tungkulin.

- - - - - - - - - -

Sasabak din sa pulitika ang maybahay ng dating alkalde. Sa darating na eleksyon, ang dating unang ginang ay tatakbo bilang isang konsehal. Sa pakikilahok nito, naging higit na usap-usapan ang pagtaguyod ng political dynasty. 

Kasama pa ang isang kapamilya na tatakbo rin bilang isang konsehal, kung papalarin, magkakaroon ng tatlong Sarmiento na nasa katungkulan.

Ang magkaroon ng hgit na boses para sa iisang adbokasiya o kagustuhan ay nangangahulugan ng pagkakaroon rin ng higit na kontrol at kapangyarihan sa nasasakupan nito.


Author: Anonymous


Disclaimer: The views in this post are those of the author and do not necessarily reflect the views of The Blog of Innocence: SilentVoice Points.





CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!
The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 
Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US