Para sa Nanay de Pamilya sa Senado, Nancy Binay

Posted on 4/20/13 1:13 PM



Kamakailan lang ay naglabas ng sama ng loob ang ating pangalawang pangulo.

"Noong magdeklara ng pagkakandidato si Nancy, o lahat ng kandidato...eh handa na iyang mabatikos, totoo o hindi totoo, masakit o hindi masakit. Kasama iyan sa Philippine politics. Pero easy to say that. Kahit pa sabi sabihing pagka may bunga and isang puno, binabato etc. etc. sabi lang yun lalo na kung pinagbibintangan ka na hindi totoo. Medyo masakit talaga iyon."

"Oo, padadamihin pa nga iyon. Kung maaari, kung ako ang tatanungin. Nagagalit ako doon sa anak kung si Nancy, 'pag nakikita ko sa bahay 'Oh ba't nandito ka?' So iyon talaga ang panlaban dito, ang kailangan talaga dito eh makaharap sa mga tao."

Sino ba naman kasi ang magulang na hindi masasaktan kung may naninira sa iyong anak?

Sa totoo lang, masama din naman ang loob namin. Kaming mga kabataan, kaming mga boboto, kaming mga Pilipino.

Oo, gusto din namin ng magandang buhay. Gusto din naming maging pangulo ng Pilipinas. Gusto din naming tumulong sa aming mga kababayan.

Ngunit wala naman kaming magagawa. Ordinaryo lamang kami. Hindi kami anak ng isang pulitiko, hindi kami kabilang sa isang kilalang pamilya.

Bilib ako sa iyo Nancy Binay. Malakas ang loob niyang tumakbo. Bago lamang ang pangalang ito sa aking pandinig ngunit ang taas na ng kaniyang rank sa mga survey.





Siguro nga ay wala pang masyadong nakakakilala sa iyo Nanay Nancy. 

Si Nancy ay isang Tourism graduate ng University of the Philippines-Diliman. Ang kaniyang ama at ina ay parehong naging mayor ng Makati. Ang mga kapatid niya - si Abigail, ay representative ng Makati City; si Jejomar Jr. naman ang kasalukuyang mayor lungsod. Masasabi kong isa itong political dynasty.

Siya ay isang board member ng Brighthalls Children's Foundation, Serbisyong Tunay Foundation Inc. at JCB Foundation; at executive director ng Bigay Pagmamahal Foundation.

Ngunit hindi ito ang isyu. Ang isyu ng mga Pilipino ay ang pagiging personal assistant niya sa kaniyang ina noong siya ay naging mayor (1998-2001) at simula noong 2010, siya rin ang naging personal ni VP Binay. Sa ngayon, siya ay deputy secretary general ng UNA.

Ang ipinagtataka ko, sa dami ng mga trabahong pwedeng dapat pasukan ni Nanay Nancy, bakit personal assistant pa? Ang yaman ng Makati. Maraming kilalang tao ang kaniyang ama para makapasok siya sa trabaho.

Walang ibang magawa ang UNA kung hindi isabak sa pulitika ang nanay natin dahil nag-back out si Tito Joey de Venecia.

Tinanong noon ng media si VP Binay kung ano ang edge ng kanyang anak.

“She is my daughter, 'di ba? The Binays are associated with good public service. Eldest daughter ko pa ito (this is my eldest daughter).”

Kita mo, proud na proud ang tatay mo sa iyo Inay. Ang laki pala ng qualification mo para maging kandidato ng UNA. Teka nga lang, bakit ba kasi hindi kita nakikita sa aming barangay bilang kapitan, o konsehal sa aming munisipyo?

Bakit, nanay, bakit? Sobra ba sa liit ang Makati? O sobrang taas lang ng ambisyon mo? 


Kawawa naman ka naman, Nanay. Pati ba naman ang Inquirer galit sa iyo?

“Of the 33 candidates for the Senate, only one has no achievements to speak of, no accomplishments to her name. Nancy Binay has not served in an elective or appointive office; she has not run a company or a nongovernment organization; and until very recently, she has not championed a public-oriented advocacy or taken a stand on a political issue. When asked to identify her electoral advantage, Vice President Jejomar Binay candidly replied: ‘She’s my daughter.’”

Eh, ano'ng sagot mo doon, Nay?
Ang question of qualification, ‘di ba the mere fact na pinayagan ako ng Comelec tumakbo is already proof that I am qualified to run for a Senate office?”

Siguro nga ay nasa amin ang desisyon. Nasa amin ang kapalaran. Ngunit wala kaming magagawa kung ang kapalaran mo ay maging Nanay de Pamilya ng Senado. Ang kapal nuh?

Kawawa naman 'tong si Lolo Samson, kuya Greco at Teddy, sir Rizalito, Bro. Marwil at Eddie, mang Ricardo, kuya Christian, at mang Ramon at Baldomero kung isang pangalan na naman ang pananaig sa balota. Try niyo kayang mag-debate ni Risa para ma-convince mo ako na karapatdapat ka sa Senado.

Sana kung manalo ka, pakisali na rin sa Senado ang buong angkan ko para hindi lang apelyido mo ang kilalanin ng bawat Pilipino. Gayunman pa man, saludo ako kay VP Binay at Madam Elenita sa galing nila sa serbisyo publiko. Pakikumusta na lang ako sa mga kapatid mo. Galingan mo sa pangangampanya. Kung nakaupo ka na sa pwesto, ibahin mo ang impresyon ng tao sa iyo. Huwag mong biguin ang mga pumili sa iyo, para next time good news ang mabasa mo.

Itigil mo na rin ang "Gaganda ang buhay" ad mo. Walang maniniwala sa iyo. Madami na ang nagsabi niyan. Wala namang pinabago. Sawa na kami sa inyo.


Heto ang exclusive interview ni Vice kay Nanay Nancy mula sa  The Professional Heckler


Magandang hapon po Madam Nancy.
Alam mo favorite kita.

Unang buka pa lang ng bibig, nambobola na agad? ‘Di ba pwedeng mag-greet muna?
Totoo ‘yon! Favorite talaga kita. You remind me of my dad.

Ohhhh my gaaad. Gano’n ba ako kaitim?
Hindiiii! Kasi… pareho kayong Vice.

In fairness, puma-punchline. Diretso na nga tayo sa mga isyu. Sabi ng dad mo the other day, you remind him daw of Margaret Thatcher. Bakit? Wala bang track record si Thatcher nang maging Prime Minister ng Britain?
Grabe ka naman Vice kung makapanlait.

OA ka huh! Nagtanong lang, laitero na? ‘Di ba pwedeng inquisitive lang muna?
Dapat kasi binasa n’yo nang buo ang news item bago kayo nanghusga.

Ah ganun? Hindi lang binasa nang buo ang balita, judgmental na? ‘Di ba pwedeng busy lang talaga?
Sabi kasi ng dad ko, may anak daw na kambal si Thatcher. Eh ako kasi Vice, meron ding kambal. So ‘yon ang konteksto ng statement niya. Huwag sanang bigyan ng malisya.

Ang layo naman ng narating mo ‘teh. May mention ka na agad ng malisya?! Ano ka sex symbol?
Patawa ka talaga Vice.

Hindi! Paiyak ako. Comedy show nga ito eh so paiyak ako. Heto ang next question: bakit raw umiiwas ka sa mga televised debates. Takot ka raw ba?
Alam mo Vice…

Oo! Alam ko na. Kaya nga ako nagtatanong ‘di ba? Kasi alam ko na ang sasabihin mo. Huwag mo na lang kayang sagutin.
Ikaw kasi! Pinutol mo agad ako. Ito na nga! Hihihi Alam mo Vice…

Paulit-ulit? Walang ibang transitional devices?
Hindi naman sa umiiwas ako sa debate. Kaya lang, busy ako sa kampanya eh. Priority ko ang taumbayan…

So ‘yong ibang candidates na uma-attend sa debate, hindi nila priority ang taumbayan?
Hindi naman sa gano’n.

Kasasabi mo lang eh. So ako na naman ang mali?!? Bingi ako? Gano’n?
Ang sabi ko Vice, priority ko ang taumbayan. PERO NEVER KONG SINABING HINDI SILA PRIORITY NG IBANG MGA KANDIDATO!!!

So galit ka? Kailangang all caps talaga? At may tatlong exclamation points pa?!? Pwes, MAGSIGAWAN NA LANG TAYO! HETO ANG SUSUNOD NA TANONG KO. MAKINIG KA MARGARET THATCHER!
Vice naman. ‘Wag ka namang magalit. Pumayag na nga akong mag-guest dito para magpaliwanag eh. ‘Tsaka exclusive mo ‘to. Konting kalma.

Ayoko ng konti. Gusto ko maraming kalma. Kalma! Kalma! Kalma! Kalma! Kalma! Heto pa ang isang kalma! At ito naman ang next question ko. Sabi sa ‘yong patalastas, gusto mong maging Nanay De Pamilya sa Senado. Ang tanong ng isang reader natin: ano raw ang gagawin mo sa plenary, magpapa-dede?
Alam mo Vice… kung hindi ikaw ang nagtanong n’yan ma-o-offend ako.

Sige… gusto kong ma-offend ka! Imaginin mo na lang na ako si Korina Sanchez. Tingnan ko lang kung ‘di ka ma-offend! Handa ka na ba? Uulitin ko: “Bilang Nanay De Pamilya sa Senado, anong gagawin mo sa plenary: magpapa-dede?”
Oo! ‘Yun ang gagawin ko! Bakit? Inggit ka? Palibhasa, wala kang…

Ano?!? Wala akong ano?! Wala akong anak?!? Sumagot ka!
Vice naman. Ayokong mapaaway.

Hindi ako si Vice. Ako si Korina! Akala mo uurungan kita? Hindi ako natatakot kahit maligno ang tatay mo! Sumagot ka!
Vice… ayoko na talaga. Magwa-walk out na ako. Bye!

Teka lang! Ito naman! Ini-internalize ko pa ang pagiging Ate Koring ko… bigla naman akong nilayasan. Sige na nga, last question: Bakit dapat naming iboto ang isang Nancy Binay ngayong eleksyon?
Alam mo Vice…

Very good! Very nice answer! Thank you very much. Good night!
Wait, hindi pa ako sumasagot! Ang daya naman. Biased ka!

Hindi lang pinatapos biased agad? ‘Di ba pwedeng OT lang talaga?
Bahala ka. Salamat na rin sa time. Goodbye… Korina!

Hooooy! Anong Korina? Ewan ko sa ‘yo… Margaret Thatcher ka!


Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.
Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.

CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US