Bituing Walang Ningning: Buhay Artista | 'The Pamilya de Barretto' Edition




Laos na ‘yan.

Ito ang lagi nating sinasabi sa mga artistang wala nang gaanong projects. Ang showbiz ay hindi naman pangmatagalang trabaho. Hindi naman habambuhay na sikat ang mga sikat, at laos ang mga laos.

Ang mundo ng showbiz sa panahon ni Claudine Barretto, naging sikat siya. Hindi natin maikakaila, halos angkinin niya lahat ng projects at awards. Ngunit may mga bagay na sadyang hindi permante. Hindi naman lahat ng bituing makikita mong kumikinang sa kalangitan ngayong gabi ay makikita mo rin bukas o makalawa. Baka nga ang iba lumipat mula sa dati nitong kinalalagyan.

Kagaya ng showbiz, ang pamilya ay hindi perpekto. May mga gusot na madaling plantsahin, may mga sirang madaling ayusin ngunit may mga punit din namang mahirap tahiin.

Sa dami ng mga isyung nasangkutan ni Claudine, kabilang na ang iringan nilang magkapatid na si Gretchen Barretto at Mon Tulfo, isa siguro itong dahilan kaya unti-unting nasira ang career niya. Sabi naman ng ilan, gumagawa lang ng ingay si Claudine para pag-usapan.

Ang Claudine vs Gretchen vs Mother Barretto vs Brother Barretto vs Sister Barretto ay isa sa mga isyung gumagawa ng ingay ngayon sa publiko. Ang dahilan daw 'di umano ay ang pagsabak ng anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto sa showbiz

Ayon sa mga balita, hindi raw masaya si Claudine sa pagsabak ni Julia sa kinalakihan niyang industriya.

Hindi naman ito malaking isyu sa Pinoy sa tingin ko. Hindi naman ito laban ni Raymart at Tulfo sa airport na parang Pacquiao at Marquez sa entablado.

Mas mabuti siguro kung ang isyu ay dapat pag-usapan sa loob ng pamilya Barretto.

Ano ba talaga ang nangyayari? Pati ba naman relasyon nila ni Raymart ay naputol?

Nakakatawa lang na isipin, sa awayang Greta at Clauda pumasok si inang Inday.

"You are a liar, Gretchen. Many of your preys will attest to that soon.That is the syle that you use when you want to play with other people's lives!"

"I am letting go of a child who never wanted me in order to save one who has always been there for all, and with all her love... Claudine!"

Pagkatapos nito, pumasok ang lalaking Barretto.

"The letter of our mother which was published earlier today was shocking and hurtful. But what bothers me most is that while she attacks my sister, Gretchen, and pictures her as evil personified, she seems to have forgotten the truth."

Gretchen never threatened about having her 'padampot.' Whatever for? May I remind you that it was you and dad who had her put in a hospital because you wanted to save her from destroying herself. Yes, Claudine is going through rough times. Again. And if you truly love her, then you should take concrete steps to save her rather than hitting Gretchen simply because she is standing up to Claudine."   

Hindi pa pala tapos, maging si Gia Barretto pumasok sa usapin.

"No Gretchen, it was not you who helped us during rough spots. It was Claudine. You could not in the life of you convince her that our parents were abusive ones. It was difficult for you to accept that there was somebody who actually had pure intentions of helping where help was needed. You once told me and I quote, 'I just disappear when things get tough.' You have become great at these disappearing acts. Claudine made an effort to be there always. Just a few corrections: Claudine paid for my med at UBC just as she paid for a lot of our nieces' and nephews' education. She gave them (our nieces and nephews), iPads, iPhones, concert tickets, clothes and so much more. She spoiled all of us not because she needed to but she wanted to. She unlike you, has never equated her value with money or material possessions."

"I echo mom’s words, 'Stop it.' We get it. We know you don’t want us so please hear us now...

'We do not want you, too.' Please stop hounding us like an attack dog. We will admit defeat if you just leave us in peace. Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please. Enough is enough! Leave us alone. Leave my family alone."

Kung may isyu ang isang pamilya, simple lang. Pag-usapan. Hindi naman magkaka-interes ang publiko sa isang isyu kung hindi ito ilalabas. Ang isyu tungkol sa pamilya ay pribado.

Sa mundo ng showbiz, hindi mahalaga kung sino ang sikat, kung sino ang mas sikat, kung sino ang laos, o kung sino ang mas sisikat.

Sa mundo ng isang pamilya, alam nating hindi ito perpekto. Lahat nag-aasam ng isang pamilyang masaya.

Sa isyung ito, ayaw kong manghusga. Sino ba naman ako para husgahan ang isang pamilyang hindi ko kilala? Ang kilala ko lang naman ay ang 'Barretto' sa telebisyon. Walang sinuman ang maaaring humusga sa pagkatao ng isa sa kanila. Hindi ka naman nila ama o ina. Hindi ka naman kapatid o pinsan. Hindi ka naman naging parte ng buhay nila.

Ang nakikita natin sa pelikula at telebisyon ay iba sa nakikita nila sa kanilang pamilya. Ang mga salitang naririnig natin sa mga balita ay iba sa mga naririnig nila sa isa't isa. 

Diyan tayo kasi magaling. Magaling tayo sa TSISMIS. Hindi naman sapat na mapakinggan natin ang iisang panig.

Maliban sa isyung ito, may mas mahalaga pa. Ang isyu ng konsul at isang OFW sa Canada, ang isyung pulitikal sa ating bansa. Ang isyung kahirapan sa bawat mamamayan. Ang ibig kong sabihin, may mas mahalagang isyung dapat tayong tutukan. Hindi ang iyong telebisyon o ang iyong paboritong artista kundi ang iyong karapatan. Karapatan para sa isang maunlad na bansa at karapatan para sa isang masaganang buhay. Hindi ito maibibigay ng showbiz. Kung meron man, ito ay ang saya na pupukaw sa iyong kalungkutan, ang lungkot na magdadala sa iyo sa mundong walang katiyakan.

Sa showbiz, ang mga direktor ang nagpapakislap sa mga bituin, ang mga artista ang gumagawa ng paraan para kuminang ang kanilang mga bituin. Sa totoong buhay, tayo ang umaabot ng ating mga bituin, Diyos ang nagbibigay ng paraan para abutin ang pinakamatayog na bituin.

Kung may problema ka, idaan mo sa tawa. Kung malaki, kausapin mo ang Diyos. Kung malaiit, manalangin ka sa Diyos. Sa madaling salita, Diyos ang kausapin mo upang maintindihan ang mga pagsubok na dumaraan sa iyo.

Tagapakinig lamang ang publiko ng iba't ibang kuwento.


Author: Paul Michael Camania Jaramillo

Student| Youth Advocate | Leader | Environmental Advocate | Writer | Blogger | RH Advocate

I am neither especially clever nor especially gifted. I am only very, very curious. — Albert Einstein
I write about darkness because I want to show the light — Jose Rizal


He has been involved in different advocacy and defending human rights. As a blogger, writer, netizen and an advocate, he has found focus & interest on sexuality & reproductive health, deaf rights & legal access and youth development, leadership, environment advocacy, issues in the nation and in the world, religion, culture and human rights At the age of 14, he has fully embraced the call of leadership.

He was a Lussoc National High School 'The Sring' and 'Ang Batis' news editor. A radical visionary leader, he has led organizations of the Supreme Student Government, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, Interact Club, Math Club, Philippine National Red Cross and other organizations in their institution. He was also awarded as a distinguished student leader as a former officer of the Supreme Student Government and received President Gloria Macapagal Arroyo Campus Journalism Award. He attended two National Leadership Training for the Student Government Officers, Rotary Youth Leadership Awards, Youth for Environment Summer Camp, Science Leaders Congress and Schools Press Conference. Joined and won in the several contests from their school to the national level.

He is the organist and an officer of the Church of Christ (Iglesia Ni Cristo).

Paul is a BS Accountancy student at the Northwestern University. He works for CBAA Biznews and  The Blog of Innocence: SilentVoice Points. He is the College Editors Guild of the Philippines-Ilocos Chairperson. CEGP is the oldest and broadest intercollegiate alliance of student publications in the Asia-Pacific.


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: VoicePoints. WRITE anything (English or Filipino). SHARE your views. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US