Pinoy Kasi

Habang ang gabi ay patuloy na lumalalim at malamig na gawa ng pag-ulan. Heto ako hindi makatulog, siguro dahil sa puno ang aking isipan ng kung anu-anong isipin. Bilang pagpapaantok, kinuha ko na lang ang aking kaibigang note book at ballpen. Dahil habang nakahiga ako kanina naisip ko na tayong mga Pinoy ay may kaugaliang sa atin lang makikita. At kapag nakita mo sa iba, kahit pa saang panig siya ng mundo masasabi mong “Pinoy kasi”. Ito ang ilan sa aking naisip, kayo na lang ang magsabi kung tama ba ak o hindi.

• Hinuhugasan at ginagamit ulit ang mga disposable cups, spoon and fork. Karamihan talaga sa atin aminin ninyo man o hindi gawain iyan. Lalo na ng mga nanay at tatay natin. Minsan hindi ko alam kung matipid lang ba talaga tayo eh. Pero hanggang puwede pang gamitin ang isang bagay, hinding-hindi natin ito basta-basta ibabasura.

• Malakas tumawad kahit palugi na ang tindera at mahilig sa sale. Diyan magaling ang iba sa atin, sa pakikipagtawaran. ‘yung tipong tinawaran mo na pati yung tutubuin ng tindera. At kung puwede lang din tumawad sa mall, malamang marami na ang gumawa noon. Kaya naman bumabawi na lang sila kapag nagkaroon na ng mall wide sale. Talagang dinadagsa ang mga shopping malls. Makabili lang ng 10% off na headband. ^_^

• Mahilig sa libre at kuripot. Sabi nga, madaling ayain ang isang tao kapag usapang libre. Dahil sa nuknukan sila sa kakuriputan. Kung nilalanggam lang ang pera sa loob ng wallet kapag hindi ito ginagamit, malamang marami na ang nilanggam.

• Mahilig sa free taste. Aminado ako isa ako sa mga ganito. ‘yung tipong nandoon ka sa Supermarket kahit na sabon lang ang binili mo ay busog kang lalabas dito, dahil lahat ng free taste nain-offer sayo ay tinikman mo na. kahit na sabaw lang yan na nilagyan ng chicken cubes.

• Usi o usisero at usisera. Hindi rin mawawala sa atin ito, may makita ka lang na kumpulan ng mga tao ay akala mong minamagnet na ang mga paa mo papunta doon para lang tignan ang komosyon na nangyayari. ‘yung iba nga kahit na sa loob ng jeep talagang pilit ilalabas ang ulo para lang makasilip.

• Mahilig sa videoke. Birthday, binyag, kasal o minsan kahit pa sa lamay mayroong mga nagbi-videoke. Talagang music lover tayong mga Noypi. Kahit lahat ng flat notes natamaan natin. At kahit na gusto na tayong batuhin ng kapitbahay natin, sige lang ang birit ala Marriah Carrey at Sarah G.

• Hindi nawawalang ng handa sa kapag Fiesta. Tayong mga pinoy ay mahilig kumaen. Kaya kahit na kapos sa pera sisikapin at sisikapin natin na magkaroon ng handa kahit na kaunti lang. Para sa pagseselebra ng kapistahan.n

• Likas na matulungin at maalaga sa kapwa. Ito ang isa sa pinakatatak talaga ng mga Pinoy. Ang pagiging matulungin at maalaga. Kapag nasa jeep ako at may umakyat na namamalimos, nakikita ko ang ilan na kahit na parang nandidiri ay nagbibigay pa rin ng kaunting tulong sa mga ito. Kung minsan kahit isusubo na lang ibibigay pa. Ganyan tayo e. Sa pagiging maalaga diyan din tayo magaling. Hindi nga ba kaya gusto ng mga Foreigner na Pinoy ang kanilang mapangasawa dahil alam nila kung paano tayo magbigay ng alaga. Sa kahit anumang aspeto, sa kalusugan man o kahit na hanggang sa maliit na bagay.

• Madasalin. Malakas tayo sa pananampalataya. Kahit saan mo dalhin ang mga Pinoy hindi mawawala ang kaugaliang ito. Dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit nagiging matatag tayo sa kabila ng lahat ng unos na nangyayari sa buhay natin. Iba-iba man ang Diyos na sinasamba, nananatiling nagkakaisa sa pananampalataya.

• Masayahin. Isa ang Pilipinas na napasama sa mga bansang naitala na masayahin. Kahit gaano kabigat ang problema , parang nawawala kapag nagsimula na tayong tumawa. Nakakagawa pa rin tayo ng paraan para maging masaya. Na parang ang problema ay laging isang maliit na bagay lang. kung minsan kahit na hirap sa buhay, makita lang na buo ang pamilya sumasaya na.

Ilan lang iyang mga nabanggit ko na mga kaugalian na sa mga Pinoy lang makikita. At masasabi kong masaya ako dahil Pinoy ako. Nabibilang sa bansa na kahit sandamakmak ang problema nagagawa pa ring bumangon at magsimulang muli. Hindi sumusuko at hindi basta-basta nagpapadaig sa anumang pagsubok sa buhay.



Author: Melodyalba

>simple lang. Kumportable na ko sa jeans, t-shirt/polo shirt at flip flops >makulet, mapang asar pero minsan pikon at may pagkam0ody. Tahimik lang ako pag di kita kilala, kung di mu ko kakausapin di rin ako magsasalita >favorite color ko blue. Ayoko ng orange, sa pagkakaalam ko wala kong damit na kulay orange. Bihira lang magsuot ng puting damit. (depende kung kelangan) >di ako mahilig sa sweets. Pero kumakaen din ng chocolate mas gusto ko lang ang dark tsokoleyt. Matakaw sa itlog pugo at iba pang street fuds >hindi ako yung tipong showy sa lahat ng bagay. Pero pag sinabi kong importante ka maniwala ka dahil true yon ^_^ >ayoko ng minamadali ako specially sa mga lakad, kasi lalong akong bumabagal pag minamadali ako >ayoko ng kinukumpara ko sa iba. Kasi simula't-simula pa lang magkaiba na kame ng pangalan. >wag mu kong bibigyang ng gagawin kung di mu rin naman ipapatapos saken. Naaasar ako pag ganun >di ako friendly. Pero pedeng pede ako maging kaibigan. Pero mas gusto ko na may kasamang malakas ang sense of hum0r. Pero di naman ako namimili ng magiging kaibigan >ayoko ng katext na kulang kulang ang letra. Di ko nirereplyan pag di ko maintindihan >mga batang cute lang ang gusto ko. (di ko masyadong hilig ang mga bata hehe) >may poetic side ako. Minsan hehe. Depende din sa m0od ko ang pagbabasa ko. Pero mas gusto ko yung mga story na suspense. >sa m0vie, ayoko ng puro love story. Mas gusto ko ang comedy-romance.. Action, horror kahit na duwag ako hehe >takot ako sa ipis. Lalo na yung lumilipid. Aalingaw ngaw ang tili with matching takbo pa hehe. >masaya ko pag alam kong may napapasaya din ako, napapatawa ko at napapangiti ko >pero mas magandang personal mu na lang ak0ng kilalanin pag tapos mung basahin lahat ng 'to hehehe.
Disclaimer: The views in this post are those of the author and do not necessarily reflect the views of The Blog of Innocence: SilentVoice Points.



CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US