Ang Istorya ng Nagpakalalaking Bading

Ilang taon din akong naghanap ng tamang kasagutan sa isang sitwasyong kailanman ay hindi ko itinuring na katanungan. May salitang nagtatanong ng bakit? Pero ewan ang sagot. Bakit nga ba ako naging bading? Matagal ko nang problema ito, ang akala ng karamihan, choice ng lahat ang pagiging ganito. Kung sa sitwasyon ko, hindi. Hindi ko ito ginusto, pero bakit nandito ako? Ayaw ko, naiinis ako sa sarili ko, at hindi ko ito tanggap.

Sabi nila, tanggapin ko daw kung ano ako, at magiging masaya na ako. Pero hindi ko talaga gusto ang ganito eh. Hindi lang dahil sa ayaw kong makarinig ng mga panlalait mula sa ibang tao, kundi dahil gusto ko lang ng tama. Ilang beses ko nang hiniling na sana naging tunay na lalaki na lang ako, pero kahit anong gawin kong pamimilit sa sarili kong kaisipan at paniniwala, pilit rin nitong ipinaaalala sa akin na bading talaga ako. Kilos lalaki naman ako, bihis lalaki, medyo maarte nga lang magsalita. Pero yung puso’t isipan ko babae, paano nangyari iyon?

Naranasan kong makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki, para kako maramdaman ko naman yung sinasabi nilang saya kapag tinanggap ko ang katotohanan na ganito talaga ako. Oo, sa una masaya, pero dumating din ako sa tagpong halos magsawa na ako. Nakipagrelasyon na rin ako sa ilang babae, pero hindi rin naging maayos.

Ilang beses ko nang napagpasyahang magpakalalaki, matagal akong hindi nakipagrelasyon sa sinuman. Hinanap ko yung sarili ko, kung ano ba talaga ako. Marami akong nakilalang bagong tao: babae at lalaki. Hanggang sa binalak ko na muling umibig, sa isang babae.

Habang nililigawan ko siya, inamin ko na agad sa kanya na isa akong bading na dating nagkaroon ng lalaking kasintahan. Hindi niya ako natanggap, binasted niya ako kaagad. Tinanggap ko ang pasya niya, baka hindi niya lang din talaga kayang tanggapin ang isang tulad ko.

Makaraan ang ilang buwan, muli akong nanligaw sa isang babae. Ipinaalam ko rin agad sa kanya na bading ako. Ok lang daw, iyon ang sabi niya. Pero habang tumatagal ako sa panliligaw, nararamdaman ko na ang pag-iwas niya sa akin, naiirita na rin siya sa akin. Ako na lamang yung gumive-up para sa kanya, hindi na ako nagpatuloy sa panliligaw.

Humanap ulit ako ng bagong babaeng mamahalin, umaasang may tatanggap rin sa akin. May nakilala akong bago makaraan ang ilang linggo, niligawan ko siya. Hindi ko ipinaalam sa kanya na bading ako, hanggang sa sinagot niya nga ako, at naging kami. Tatlong buwan bago niya nalaman sa mga kabarkada ko ang tunay kong pagkatao. Halos gumuho ang mundo ko noon,  kung kalian kasi natututo na akong magmahal ng isang babae, saka naman niya ako iniwan. Tulad ng dalawang babaeng nauna ko nang niligawan, hindi niya rin ako natanggap bilang ako.

Parang ayaw ko nang umulit, masakit pa lang masaktan. Baka ganito na talaga ang kapalaran ko, siguro ay sa kapwa ko bading lang din ako nararapat. Pero hindi, isa pa, o sabihin ko nang huling subok pa. kapag nabigo pa ulit ako, tatanggapin  ko na talaga ang kapalaran ko.

Matagal ko nang kakilala si Angel, siya yung babaeng isa sa mga nagulat nang natsismis ako dati na nakipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Ibig sabihin, alam niya lahat ang tungkol sa katauhan ko. Siya yung babaeng madalas kong kaakbayan at kayakapan, ganun naman ang babae diba? Kapag alam nilang bading ang kanilang kaibigan, hindi sila naiilang na yumakap sa mga ito, dahil alam nila na lalaki rin ang hanap ng mga ito.

One time, naikuwento ko sa kanya ang problema ko tungkol sa mga babaeng hindi ako matanggap-tanggap.

“Gusto ko nang sumuko”, sabi ko sa kanya. “Bakit ganun sila? Nagmamahal lang naman ako. Ikaw ba? Ayos lang ba sa iyo ang isang tulad ko? I mean, kaya mo bang magmahal ng isang bading?” pagpapatuloy ko.

“Oo naman, basta ba seryoso sila sa kanilang pagbabago”, tugon niya.

“Bakit parang napakadali lang para sa iyo na tanggapin ang isang kagaya ko? Bakit yung iba, halos itaboy ako?”
“Kasi tao ka rin naman; marunong magmahal, may damdamin may puso, at alam kung paano isasabuhay ang salitang pagbabago. Naku! Kilala na kita, sa tagal nating magkaibigan, alam ko na seryoso ka na sa buhay mo ngayon.”
“Gusto ko lang ng tama”
“Pero masaya ka ba?”
“Hindi ko alam. Siguro, darating yung tamang panahon na ipauunawa sa akin ng Diyos na dapat akong maging masaya sa pinili ko.”
“Ano ba talaga ang gusto mo?”

“Gusto kong mag-asawa ng babae”

“Pero gusto mo rin ng lalaki?”

“Gusto na ayaw? Siguro gusto, dahil ito yung sinasabi ng puso ko. Ayaw, dahil gusto kong sundin ang isip ko. Gusto ko nang magbago.”

“Magbago?”

“Gusto kong magkaroon ng pamilya, gusto kong patunayan na ang isang katulad ko ay handa rin sa responsibilidad na mayroon ang isang tunay na lalaki.”
“Gaya ng?”
“Gaya ng pagiging isang huwarang AMA at mabuting ASAWA.”
“Ok”
“Kapag nangyari iyon, siguro, mauunawaan ko na ang lahat.”
“Ilang taon ka na ba?”
“28, ikaw?”
“29”
“Naku! Mag-asawa ka na.”
“Pwede bang ikaw na lang?”
“Yun ay kung matatanggap mo ako”
“Matagal na kitang kakilala, at tanggap kita. Ilang taon na kaya kitang hinihintay, ikaw lang eh,  kung saan-saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako.”
“Seryoso ka?”
“Oo, ikaw ba? Handa ka bang magbago?”
“Oo naman, matagal na. Pero hindi ko maipapangako sa iyo na pati katauhan ko ay magbabago. Bading na talaga ako, hindi ko na maaalis yun, pero bilang respeto sa iyo, gagawin ko kung ano ang tama at nararapat.”
“Eh ikaw? Handa ka ba sa sasabihin ng iba? Halimbawa: na pumatol ka sa bakla?”

“Hmmmmm, hindi. Pero kaya nga may tinatawag na paghahanda diba? Paghahandaan natin iyan.”
(Bahagyang ngiti) “Hayy, buti ka pa”

(Nakangiting naguguluhan) “ Bakit na naman?”

“Sana noong una pa lang, ikaw na ang minahal ko.”, humiga ako sa damuhan, at inunan ang dalawang palad habang nakatitig sa kalangitan.

“Hindi pa naman huli ang lahat eh”
“Sigurado ka? Ok lang talaga sa iyo na maging . . . . . (Pinagdikit ko ang dalawa kong hintuturo) tayo?”

“Oo nga, ang kulit mo. Para maniwala ka, ako na lang ang mag-propropose sa iyo”, lumuhod siya sa gilid ko, nakatitig pa rin ako sa kalangitan. “Will you marry me?”

Pailing-iling lang ako, sabay biglang napatitig sa mukha niya, “Seryoso ka ba talaga?”

“Ano? Pakakasalan mo ba ako o hindi? Kung bukas ka pa sasagot, baka magbago na ang isip ko. Wala ka nang makikitang kagaya ko na tatanggapin ka nang buong-buo.”

(Abot langit na pagngiti) “ Oh sige na, sige na”

“Parang napipilitan ka lang?”
“Pinipilit mo naman talaga ako eh”
“Aba! Arte pa, ikaw na nga itong sinusuyo”

(Ilang segundong pananahimik)

(Seryosong) “Oo, payag na ako. Maraming salamat sa iyo, kasi tinanggap mo ako. Pangako, pag-aaralan kitang mahalin. Hindi ko na babalikan ang dati kong buhay, para sa iyo at sa magiging anak natin. Hindi kita lolokohin, pangako ko iyan sa iyo.”

“Ang dami mong sinabi ah, hindi naman kita pinagpapaliwanag”, hinawakan niya ang kamay ko, at hinila ako para tumayo.

“Hmmm, para malaman mo na sincere ako sa mga sinasabi ko. Na simula ngayon, tapat akong humaharap at nangangako sa iyo”, inakbayan ko siya.

Makalipas ang ilang buwan, nagpakasal na kami ni Angel. Maraming nagulat sa aming naging pasya, pero mas marami naman ang natuwa; lalong-lalo na ang aking mga magulang. At ngayon nga, may dalawa na kaming anak; isang lalaki at isang babae, pareho na silang nag-aaral sa mababang paaralan sa aming lugar. Paminsan-minsan, may ilang pagtatalo pa rin kaming mag-asawa tungkol sa aking nakaraan, subalit habang tumatagal, lalo naming naiintindihan ang mga bagay-bagay at napagkakasunduan.

Mapalad ako kay angel, at bilib na bilib din ako sa kanya. Biruin mo, natanggap niya ang isang tulad ko. Kaya nga lubos akong nagpapasalamat sa Diyos, dahil sa wakas, naramdaman ko na ngayon ang tunay na kaligayahan. Na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang tanggapin ka ng iba, higit sa lahat ang pagtanggap sa iyong sarili. Mahal ko si Angel at ang mga anak namin, sila na ang buhay ko ngayon. Sa kanila na umiikot ang mundo ko.

“Hindi ko na mababago ang katotohanan na bading ako, pero marami akong nabagong mga pananaw sa buhay ng ibang tao.”

“Kung gusto mong matanggap ka ng ibang tao, pag-aralan mo munang tanggapin ang sarili mo.”



Author: Sherald Salamat


Mababaw lang ang kaligayahan ko, bigyan n'yo ako ng isang ballpen, papalakpakan ko kayo. Makikita n'yo ako sa gilid gilid lang, nagmamasid ng bawat galaw ng taong hindi mapakali, kinakati, naiihi at lumalandi. Mahilig akong tumitig sa mga taong nag-oopisi
Disclaimer: The views in this post are those of the author and do not necessarily reflect the views of The Blog of Innocence: SilentVoice Points.



CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US