Ang Sikretong Kabitan

Dahil uso ngayon ang pelikulang kabit at maging dito ay ganito ang paboritong tema, narito ang isang kuwento ng isang kabit.

Sa isang sulok ng Tondo…

“Sige na, Edong, pagbigyan mo na ako, init na init na ako. Kailangan kita ngayon para tanggalin ang init ng katawan ko. Kahit ngayon lang Edong, kahit ngayon lang”

Ang nakikiusap ay si Marta, isang matandang pokpok sa lugar nila. Ang pinakikiusapan ay si Edong, isang electrician, medyo may edad na, matikas at malakas pa rin ang dating sa mga kababaihan pati na sa mga bakla.

“Ano ka ba, Marta? Nandito ang asawa ko! Ayoko na! Ayoko nang mabaranggay ulit dahil diyan!”

Ang totoo niyan wala ang asawa niya, nasa trabaho ito bilang factory worker at ang anak lang niya kasama niya ngayon.

“Sige na Edong ngayon lang to, bakit si Lucia madali mong napagbigyan. Sige na, Edong, pagbigyan mo na ko”

“Pero iba naman si Lucia, pero sige, pagbibigyan kita. Sana huli na’ to, dahil ayoko ng mag-away uli kami ng asawa ko at mabaranggay ulit,” ang sabi ni Edong na nagbibihis na ng pang-itaas na damit.

Sa isang madalim na lugar….

“Sige, Edong, diyan, diyan, tama yan!   Tama yan!”

“Wag kang maingay, Marta, at mahuhuli tayo.”

“Oo, sige, Edong, tatahimik na ako.”

Pero sadyang hindi mapigilan ni Marta ang bibig niya.

“Oh! Ayan na, Edong! Ayan na! Malapit na! Malapit na, Edong! Malapit na….. ayan na…. ayan na….”

“Putang…. Marta, huwag ka sabing maingay, mahuhuli tayo nito eh.”

“Edong, malapit na….. ayan na, kaunti pa…. kaunti pa, Edong.. kaunti pa…. ayan na….. ayan naaaaaaaaaaaaaaa…….

May ilaw na ako, yehey! Salamat, Edong, mawawala na rin ang init ko sa katawan dahil may kuryente na ko sa bahay at makakapag-electric fan na ko” naghuhumiyaw na sabi ni Marta na tuwang-tuwa.

“Huli na ‘to, Marta, at ayoko nang mahuli ulit dahil sa pagkabit ko ng kuryente sa poste. Huling pagjajumper ko na to.”

Pero huli na! Dahil sa malakas na bunganga ni Marta muling nahuli ng mga tanod si Edong. Ngayon, baka hindi na lang sa barangay siya makulong, malamang tuluyan na siya ikukulong sa rehas na bakal.



Author: kapitan sulat

Spongebob: When you use your IMAGINATION you can do anything!...

Disclaimer: The views in this blog are those of the blogger and do not necessarily reflect the views of The Blog of Innocence: SilentVoice Points.



CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US