Ang Pangarap na Tatlong Dagdag na Letra sa Huli ng Iyong Pangalan

Katatapos lang ng sabihin na nating isa sa mga pinaka-teknikal at mahirap na board examinations para makuha ang propesyonal na lisensya.

Ito ay ang CPA Board Examinations happened last October 6,7,13 & 14. Sa mga hindi nakakaalam, CPA (Certified Public Accountant) ang parang ninja sa isang kumpanya. Di masyado kilala, pero halos lahat ng trabahong pang pinansyal at desisyon ay binabase sa ginagawa nila. Walang kumpanya na walang CPA.

 Anyway, hindi naman about dun ang ikukuwento ko eh. Gusto ko lang magbigay ng opinyon, more on maglabas ng sama ng loob at disappointment sa sarili ko.

Isa akong malaking risk taker, sumabak ako sa isang bagay na hindi ko alam na kaya kong makuha. Kahit na alam kong maraming naniniwala sa akin, yung bilib ko sa sarili ko ay hindi sapat para sabihin “Kaya ko ‘to!”. Nakisabay lang naman ako mag-file for board exams eh. Kung ako naman ang tatanungin, hindi pa talaga ko handa. Pero ayun na eh, last day na ng pagfa-file.  Napasama na ang pangalan ko. Kahit na ang dala ko sa giyerang sasabak ako ay isang kutsilyo laban sa tangke-tangkeng kalaban.

 Binuhos ko ang oras ko at ang panahon ko para lang makapag-prepare sa sasabakin kong giyera.  Kaya kong sabihin sa ngayon na marami akong sinakripisyong bagay para makapag focus at paglaanan ng pansin ang tatahakin kong landas. Tingnan mo, lima at isa’t kalahating taon ako sa kolehiyo at idagdag mo pa ang kalahating taon sa review. Masasabi kong sineryoso ko ang kurso na kinuha ko kahit na noon ay labag ito sa loob ko. Pero tinapos ko ito at sinubukang kumuha ng eksaminasyon para makakuha ang inaasam-asam kong lisensya.

 October 15, 2012, at 2:00pm. Lumabas na ang resulta ng mga pasado sa kinuha kong eksaminasyon. Ako’y nagsisimba sa mga oras na yun sa Baclaran church. Kinakabahan na ako nang sobra nun. Sabi ko, hindi ako titingin sa telepono ko para hindi ako agad madisappoint o maexcite agad. Pero 1-2 oras na nakalipas, wala pa ring nag-tetext sa akin. Parang nakaramdam na ako ng pagkabigo. Pinipilit kong huwag tumulo ang luha sa nararamdamang resulta. Hirap na hirap ang pakiramdam ko nang mga panahon na yun habang naglalakad pauwi. Nagdasal ako sa Kanya na kung ano man ang magiging resulta, tatanggapin ko, pero siyempre sana pagbigyan niya ako sa kahuli-hulihang kahilingan ko para sa sarili ko…

 Nakauwi na ako sa bahay, tsinek ang resulta, inulit nang inulit, humanap ng ibang source, at dinaanan ng paulit ulit ang nasabing listahan ng mga pumasa. Pero sa kasamaang palad, walang ang pangalan ko sa listahan na iyon. Nung napagtanto ko na at naramdaman ko ang realidad na wala talaga ako sa listahan iyon, bigla na lang tumulo ang luha ko. Luha ko na ‘di ko mapigilan na tumulo. Ang sakripisyo ko, gastos ng pamilya ko, ang tiwala ko sa sarili ko, at ang tiwala sa akin ng pamilya’t kaibigan ko, nawala na lang nang ganun-ganun lang. Walang magandang resulta ang pinagtuunan ko ng pansin sa loob ng anim na taon.

Ako’y nagtanong sa sarili kung bakit ganoon, at tinanong ko din Siya na bakit di niya ako napagbigyan sa aking kahilingan. Kahit na ako’y sobrang nasasaktan sa mga nangyari, hindi ko pa din sinisi Sa Kanya ang lahat. May kasalanan din naman ako. Siguro nga, may plano Sya para sa atin. Hindi yun ang kelangan ko para tulungan at itaguyod ko ang pamilya ko. May iba pa sigurong bagay na para matupad ko ang pangarap ko para sa kanila.

 May nabasa nga ako sa isang post sa Facebook, na nainspire ako lalo na nang feeling ko na lubog na lubog ako. Eto..

“To those who did not get the “additional” three letters, try this exercise…
1.) Write your complete name…
2.) Now look at it closely…
3.) Notice that your name is still complete
4.) Just like your name, YOU ARE STILL COMPLETE!!! You are not less of a person because you did not made it this time…Believe me… Everything has a purpose… You may not understand it now, but in time, you will know the reason why this happened… Been there… Done that…

Think of it as a precious gift… Yours is not properly wrapped yet… It is there, but it is not yet ready to be given to you… You know why??? Because the Giver wants to give your present at its best!!! At the right time!!! Nicely wrapped!!! Priceless!!!”
 
Malaking tulong to para sabihin na natin matanggap ko ang pagkabigo ko. Pero kaya kong sabihin nang buong-buo sa sarili ko, tatayo ako sa pagkabagsak ko at babangon muli nang may buong tiwala Sa Kanya na kaya kong ipasa ang eksaminasyon na yan! Makikita at maipagmamalaki ko sa pamilya’t kaibigan ko na kaya kong idagdag ang tatlong letrang C-P-A sa huling bahagi ng aking pangalan.
 


Author: korningtao

Disclaimer: The views in this blog are those of the blogger and do not necessarily reflect the views of The Blog of Innocence: SilentVoice Points.



CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 
 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US