National Peace Ambassadors

Apl.de.ap, Anne Curtis also to promote 'I am for Peace' campaign


Kapamilya actor Gerald Anderson and members of the national football team have been named as among the National Peace Ambassadors of the country.


Among other celebrities from different fields, Anderson and the Philippine Azkals will officially be conferred the title during the launch of the "I am for Peace" campaign in MalacaƱang on Friday.

A major project of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), the "I am for Peace" campaign comes as a celebration of the peace month. For this year, it is themed, "Ako. Ikaw. Tayo. Magkakaiba, Nagkakaisa sa Kapayapaan."

The campaign, according to a statement from OPAPP, "seeks to engage all sectors of society in sustaining support for the country’s peace process."

"It will also mobilize social engagements and information dissemination especially on the significant developments and milestones of the on-going Mindanao peace talks."

For his part, Anderson expressed support for the campaign: "To be a peace ambassador is something I would love to do. I want to be of help to more Filipinos in promoting freedom and unity, and not violence."

Other celebrities who will be named National Peace Ambassadors during the event on Friday, where President Aquino will be in attendance, are:


Actress Megan Young and actor Mikael Daez; social media personality Ramon Bautista; singer-songwriters Noel Cabangon and Ebe Dancel; Moro artist Datu Khomeini Bansuan; singers Christian Bautista, Karylle, Sam Concepcion, and Gloc-9; fashion designers Arnold Galang and JC Buendia, representing the Fashion Design Council of the Philippines; comedians Kiray and Igi Boy; and TV host Rovilson Fernandez.


Filipino rapper apl.de.ap, member of the Grammy-award winning group Black Eyed Peas, and actress-host Anne Curtis have also been tapped by the Palace to promote the "I am for Peace" campaign as National Peace Ambassadors.


"Coming from diverse industries and backgrounds, the Peace Ambassadors will unite for one meaningful cause: peace," Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles said.

"Peace means progress and happiness," apl.de.ap said. "Its influence is powerful. Right now, the Philippines is emerging. I feel it every day, and with peace nationwide, we can take our country to new heights we can all be proud of."

According to OPAPP, the Philippine Azkals, for its part, will lead a youth-oriented sports program to formally seal the partnership of the agency and the Philippine Football Federation (PFF).

"As Peace Ambassadors, we value being in a team. If you want to promote peace you need to work together, you put aside your differences," Azkals team captain Aly Borromeo said.

"Now, more than ever, we have the momentum and leadership needed to write the Philippine success story as a progressive and peaceful nation. The time for peace is now," Deles added.

“Ako po si Benigno Simeon Aquino III, and I am for Peace.”

A September 14, 2012, press release from the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process



FULL TRANSCRIPT:
Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa paglulunsad ng kampanyang “I am for Peace”

[Inihayag sa Bulwagang Rizal, Palasyo ng Malakanyang, noong ika-14 Setyembre 2012]

Thank you. Good morning. Please sit down.

Secretaries Ging Deles and Dinky Juliano Soliman; excellencies of the Diplomatic Corps; members of the Cabinet present; Chair Zenaida Bregida of the National Commission on Indigenous Peoples; partners of I am for Peace campaign; our guests; mga minamahal ko pong kababayan:

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Isa na po marahil sa pinakakaraniwan at pamilyar na salita ang kapayapaan. Bawat prinsipyo, bawat hangaring nakalimbag sa konstitusyon ng bawat bansa sa daigdig—anumang uri ng kanilang gobyerno—ay naghahangad na makamit ito. Ang nakapagtataka, palaging may hindi nagkakasundo; hindi pa rin nauubos ang mga nagtatalo; hindi pa rin nauubos ang nagpapasiklaban sa kung anong ruta ang pinakamainam na tahakin. Pero oras na tinanong mo kung ano talaga ang gusto nilang mangyari; kung ano ang nais nilang maatim, iisa at nagtutugma naman palagi ang kanilang sagot: kapayapaan.

Ang tanong ngayon: Bakit ba napakailap nito? Bakit ba sa tuwing sa tingin natin ay abot-kamay na ang kapayapaan, saka naman kinakaladkad ito palayo ng panibagong sigalot? Nakakalungkot mang aminin, hawak po ng Pilipinas ang “World’s longest-running communist insurgency.” Apatnapu’t dalawang taon na po ito. Ibig sabihin, sa loob ng mahigit apat na dekada, wala pa ring napapanday na pinal na kasunduan ang pamahalaan at ang grupo ng mga rebeldeng komunista. Ibig pong sabihin, may halos dalawang henerasyon ng mga Pilipino ang nabigo nating handugan ng payapang pamumuhay. Ang tanong: Bakit? Dahil sa halip na makipag-ugnayan, pinipili ng ilang makipagbangayan. Napako tayo sa nagtutunggaling kaisipan at armadong hidwaan. Ang nakakalungkot, tila ang dami ng mga nabalam na negosasyon at natisod na ugnayan ay siya ring bilang ng mga inosenteng Pilipinong nadadamay sa mga digmaan.

Naiintindihan po natin ang ugat nito. May ilang pinili na lamang mamuhay sa anino ng takot at karahasan. May ibang sumuko at manhid na sa dating mapanlinlang na sistema, habang ang iba nama’y namulat na sa kultura’t ideolohiya ng armadong pakikibaka. Gayumpaman, tulad din natin silang naghahangad ng katahimikan, at nagtatanong din sa sariling: Kailan ba matatapos ang madugong bangayan? Ilang bangkay pa ba ang kailangang paglamayan bago manahimik ang mga armas? Kahit ano pang sukatan ang gamitin natin, wala po tayong napala sa mga walang-katuturang bakbakan.

Kaya naman tayo nagbubuklod sa araw na ito: sa kabila ng magkakaibang larangan, prinsipyo, o kaisipan, nagkakaisa tayong tumataya upang manaig ang kapayapaan, at ipagsigawan sa bawat sulok ng ating bayan na “I am for Peace.” Nagpapasalamat at sumasaludo tayo kina Kalihim Ging Deles at mga Panel Chair, Atty. Alex Padilla at Atty. Marvic Leonen, gayundin sa buong Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, hindi lamang sa tagumpay ng kanilang kampanya, kundi sa pagtutulak na mapabilis ang pagbubuklod at katahimikan sa bansa. Nais ko ring bigyang-pugay ang ating mga Peace Ambassadors: ang ating mga artista, musikero, at manlalarong Pilipino, na nagmula man sa iba’t ibang larangan, ay buong-pagkukusang nagbigay ng suporta para sa malawakang kapayapaan. Hinihikayat ko rin ang iba pang kumpanya na maging bahagi ng Business Partners for Peace, na kasalukuyang binubuo ng Golden Arches Development Corporation, Philippine Seven Corporation, Zest-O Corporation, Liwayway Marketing Corporation, M. Concepts and Style, at ABS-CBN Corporation, upang makiambag sa paghahayag ng kahalagahan ng kapayapaan gamit ang kanilang produkto’t serbisyo. Hudyat ang pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng ating lipunan na mulat silang hindi lang gobyerno ang may obligasyon dito. Nakaatang sa balikat ng bawat Juan at Juana dela Cruz na pagningasin ang ilaw ng kapayapaan, at tungkulin nilang manindigan para siguruhing hindi ito kailanman magdidilim dahil sa armadong hidwaan.

Ito rin ang prinsipyong tumitimon sa pamahalaan, kaya naman lahat ng kilos natin ay nakatuon sa paghahain ng mga mekanismo at solusyon para sa pangmatagalang pagkakaunawaan. Ang resulta: mula 2010 hanggang 2012, patuloy na bumababa ang insidente ng engkwentro sa pagitan ng ating mga sundalo’t MILF. Sa katunayan, mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan, zero encounters pa po tayo, at sana manatili po doon. Maliban sa mahigit animnaraang rebeldeng sumuko at nakabalik na sa kani-kanilang pamayanan mula nang tahakin natin ang Tuwid na Daan, may halos tatlondaan at limampung dating rebelde rin tayong nabigyan ng immediate at livelihood assistance. Bilang puhunan sa kinabukasan ng kanilang mga anak, may isandaang scholarship grants din tayong inihandog para sa kasalukuyang school year. Tuloy-tuloy din ang biyayang handog ng Payapa at Masaganang Pamayanan, o PAMANA Program, na nakapagbukas na ng halos isanlibo at apatnaraang bagong bahay sa North Cotabato at Maguindanao, gayundin ang mahigit 55,700 na benepisyaryo ng ating Community-driven Development projects.

Bakit ba natin ginagawa ang lahat nang ito? Dahil habang nagtatalumpati ako ngayon, may isa pa ring musmos sa Samar na mas mahusay pang magkalas ng armalite kaysa sa pagdugtungin ang simpleng a-ba-ka-da ng alpabeto. At sa isang liblib na barangay sa Mindanao, may isang paslit na natutong magbilang, hindi sa loob ng silid-aralan, kundi sa gitna ng evacuation center, kasama ng ibang mga pamilya na ilang taon nang hindi pa rin makabalik sa kanilang mga tahanan dahil sa hidwaan.

Ito mismo ang gusto nating baguhin. Ang bukal ng lahat ng inisyatibang ito: tigil-putukan. Ang hangad natin: kasunduan. Ang layunin natin: ang pagputol sa siklo ng karahasan, kawalang-pag-asa, at kahirapan. Dahil bukod sa kapayapaan, gusto rin nating tiyakin sa susunod na salinlahi na may mamanahin silang maayos na paaralan, malinis na ospital, disenteng kabuhayan, patas na katarungan, respeto sa kultura’t kasaysayan, at pagkakataon para sa lahat.

Walang sinumang magulang—Muslim man, Lumad, o Kristiyano, panig man sa kung anong ideolohiya, o nagtitiwala sa gobyerno—ang nanaising magpalaki sa kaniyang anak sa isang bansang may mantsa ng kaliwa’t kanang bakbakan.  Kung nais talaga nating maghilom na ang mga sugat ng madugong engkuwentro’t digmaan, at mabura na ang pilat ng negatibismo’t agam-agam sa ating lipunan, panahon na upang isantabi ang tunggalian sa ideolohiya, paniniwala, o relihiyon.

Ngayong nagsisimula na ang pagsasakatuparan nito, tiyak na ang sasalubong sa susunod na salinlahi ay isang bagong umaga, kung saan hindi ang pagsabog ng kanyon, o ang amoy ng pulbura ang araw-araw na gugulantang sa kanila. Sa halip, gigising sila sa tilaok ng manok, sa bango ng kape’t bagong-lutong almusal, at sa mainit na yakap ng kanilang magulang bawat umaga. Kaya natin itong marating, at makakaasa kayong gagawin ko ang lahat para matupad ang mga ito. At mapapabilis itong makamit kung nagkakaisa tayo tungo sa mas tahimik na bansa. Tara, samahan ninyo ako: ihatid natin sa mas mapayapang bukas ang bawat Pilipino.

Ako po si Benigno Simeon Aquino III, and I am for Peace. [Applause]

Bago po ako magtapos: Kanina po’y nagtatalo kami ng ating dalawang kalihim kasama sa entablado, at amin pong pinag-uusapan ang lahat ating mga Ambassador. Talaga naman pong may katiyakan ng katahimikan kung lahat tayo nakikialam at, sabi ko, “Kung ganito ang kalibre ng mga kasangga nating natutulak ng kapayapaan, paano tayo hindi magtatagumpay?” Lalo na kung maghihikayat tayo ng mga bagong miyembro; nandito po si apl, sinamahan pa ni Noel, at siyempre ‘yung ating platinum awardee na si Anne Curtis—baka maghahandog ng awit habang naghihikayat tayo sa lahat.

Maraming salamat po, at isang mapayapang araw sa ating lahat.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!
 
Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US