Padyak


Kagabi ng pauwi ako galing sa isang induction ng isang organisasyon ng kabataan, nasundan ko ang isang padyak. May dalawang pasaherong sakay  Ang drayber ay mukhang mahigit singkwentang taon na. Nguni’t tila di niya nararamdaman ang pagod na dinaanan niya sa maghapong pagkayod. Medyo mabagal ang kanyang takbo at medyo naabala ang sumusunod na mga sasakyan sa kanya. Subali’t tulad ng mahigit kumulang na 1500 padyak drayber sa Naga City, muling matatapos ang araw na naitawid na naman niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Natatandaan ko pa ng mag-umpisang magkaroon ng mga padyak sa Naga City noong 1990, pinuna na ito ng aming kalaban sa pulitika. Paurong daw ang pag-unlad ng lungsod. Wala raw lugar ito sa kalsada namin. Palagay ko, sa pangkalahatan, naintindihan ang aming pananaw sa bagay na ito, dahil patuloy kaming pinagkatiwalaan ng mga Nagueno. Ang sabi ko noon, ang isang marangal at malinis na hanapbuhay katulad ng pagpadyak ay dapat bigyan ng puwang sa aming lugar. Dapat sa pag-unlad, lahat ay maaring makilahok at dapat kabahagi lalo na yong walang sapat na lakas at kaalaman tulad ng mga namumuhunan at maykapangyarihan. Katunayan obligasyon ng pamahalaan at ng lipunan na bigyan sila ng pagkakataon  maghanapbuhay. (Palagay ko, kung bibigyan sila ng mas magandang alternatibo, pipiliin ng mga nagpapadyak ang mas magaan at mas mataas na kitang hanapbhay.) At dahil bigo silang makamtan ito, naghanap sila ng isang mahirap subali’t malinis na pagkakakitaan.

Maraming patalinghaga ang nabubuo ng pagpadyak na nauukol sa ating mga paniwala at galaw ng ating lipunan. Una, sa hirap ng trabahong ito, tinuturuan nya tayong lahat ng ang tagumpay ay hindi madali. Huwag tayong umasa, lalo na dahil ang ating bansa ay lugmok na sa kahirapan, na isang araw ay gigising na lang tayo na ang ating mamumulatan ay isang maunlad ng Pilipinas. Kailangang tayo ay makibahagi, magsakripisyo at makipaglaban para magbago ang kalakaran sa ating pulitika at ekonomiya. Pangalawa, walang tunay na pag-unlad kung ang may kaalaman at mayayaman lamang ang makikinabang. Ang padyak ang isa sa mga simbolo ng kahirapan at pagsusumikap. Pinapaalala sa atin  na walang saysay ang pag-unlad kung lalo lamang lalaki ang agwat ng mayaman at mahirap.

Pangatlo, dapat bigyan natin ng puwang ang mga mahihirap na makaahon sa sarili nilang kakayahan. Mahalaga ang batas. Mahalaga ang areglo sa kalsada. Subali’t mas mahalaga na magkaroon ng paniwala ang ating mahihirap na mamamayan na siya ay aakayin ng ating lipunan kung siya ay magsusumikap. (Dito sa Naga City, may sidewalk vending ordinance na pinapayagan ang “regulated vending”.)

Sa aking panunungkulan, ang buhay ng malimit na ang aking mga nakakasalamuha noon, ang mistulang simbolo ay ang pagpadyak. Mga taong mahihirap subali’t nagsusumikap. Mga taong kailangan tulungan dahil tinutulungan ang kanilang sarili. Mga taong may mga munting pangarap para sa kinabukasan ng mga mahal nila sa buhay. Ang hamon sa aming pamamahala, gawing makahulugan ang pag-unlad para makinabang lahat!

Author: DILG Secretary Jesse Robredo
May 18, 2009


"I am on my sixth and final term as City Mayor of Naga, was President of the League of Cities of the Philippines, headed the Bicol Regional Development Council for two terms and has been Chairman of the Metro Naga Development Council during the last five terms I have been in office.
 Aside from my work as City Mayor, I am involved with the Synergeia Foundation, the Galing Pook Foundation and the Ateneo De Manila School of Government in promoting better governance not only in local government units but also in other government institutions as well.

I have been an advocate of local autonomy and I deeply believe that our people can be better served if resources and authority are devolved to local government units. Of course, this should be  hand in hand with exacting a system transparency and accountability on our local officials. While it may seem that the “islands of good governance” are few at the moment, they have demonstrated that the quality of service delivery is far more superior when it is handled by  local authorities."


CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US