She’s HAPPY, He’s GAY

Sa edad at hitsura kong ito maraming beses na akong naging biktima ng sinasabi nilang pag-ibig. Pwedeng ako rin ay inibig pero mas lamang ang ako ang umibig o sabihin na nating nagustuhan ko siya/sila. Kadalasan kasi ganun, bukambibig ko ang mga salitang “gusto ko si __”, “crush ko si __”, “type ko si __”, “love ko si __”. Pero ang ikinatataka ko lang eh sa dami ng mga lalakeng nagugustuhan ko bakit kaya karamihan sa kanila ay lalake rin ang gusto. Bang! Ang sakit naman. Magkakagusto na lang doon pa sa malabong tapunan ka ng pansin dahil kauri rin ni Adan ang ibig.
Ewan ko ba, bakit naman kasi kumalat ng husto ang lahi nila. Wala naman silang matres para magbuntis. Kakaunti na nga lang ang single at pogi sa mundo, kung mamalasin pa pwedeng hindi ka rin gusto o kandidato sa “No Other Becky” ang love story mo. (paumanhin po sa mga katulad nilang makababasa nito, hindi ko sila pinararatangan bagkus ako’y nasisiyahan. Promise, mahal ko kayo!)
Hindi naman sa ayoko sa mga tulad nila. In fact, close nga ako sa marami sa kanila (kasi nga madalas ‘gusto’ ko sila). Karamihan sa mga kakilala ko kabilang din sa kanila. They are loving, wonderful and creative individuals. Hanga ako sa kanila. Pero hindi sila ang pinatutungkulan ng kuwento kong ito. Ibig ko lang ilabas ang saloobin at damdamin ko, hindi ko naman ninais na makasakit ng tao. Tabi tabi po.

So as I was saying, madalas nga akong magkagusto sa kanila. Hindi ko alam kung sino o ano ang problema (o baka naman wala talagang problema, prinoproblema ko lang ang maaaring maging problema). So heto ang tanong ko:

 “Masama bang magkagusto sa bakla?”

Ouch, ang sakit naman. Kahit ako parang nahirinan sa salitang bakla, ang nagdadala pa nito kaya?
Hindi ko naman masisi ang sarili ko, sa panahon kasi ngayon ang hirap na nilang mawari. Parang ulap na nagkukubli sa paglitaw ng bahagharing nakangiti. (pwede ba yun? Hindi ko sigurado, inilagay ko lang dahil maganda sa pandinig ko.)

So what if I fall for men who also happen to love men? (Ganun? Ang tapang ah!)

Wala naman sigurong masama kung humanga sa mga tulad nila. Wala rin naman sigurong isa sa kanila na maglalakas ng loob who’ll ask for my hand in marriage ‘di ba?
Every woman’s fantasy is to walk down the aisle while her guy is waiting for her at the end.

Teka lang lumalalim na ang kuwento ko, may kasalan pang nababanggit baka kung ano pa ang aking maihirit.

Ang gusto ko lang naman sabihin ay “Oo, I’m such a fag hag!” (with matching accent ng isang kolehiyala) Eh ano naman ngayon, soon my REAL GUY will come up to me. Yung ako lang ang gugustuhin at iibigin. (yuck ang cheesy!) Yung tunay na lalake siyempre. Yung walang abs!

I’m not pathetic or whatever you want to call it. That’s just it.

And so I want to close this by saying:

Hindi naman masama ang magkagusto sa malamya (palitan nyo na lang kung ano ang inyong ibig), isa itong magandang karanasan at damdamin na minsan mahirap pigilan pero kasiyahan din ang mararamdaman.

At sa panahon ngayon magiging choosy ka pa ba? Char! :D 

Author: Netteskie







CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US