PBB ex-housemate Yves Flores: 'Hindi ako flirt'

Aminado ang former Pinoy Big Brother Teen Edition  4 housemate na si Yves Flores na ang pangarap niya talaga ay makapasok sa showbiz. “Mula pagkabata pangarap ko nang pumasok sa industriyang ito. Isa rin ‘yon sa mga dahilan kung bakit ako pumasok sa PBB,” pag-amin ng Pampangueno heartthrob. “Then kung bibigyan ako ng chance ng ABS-CBN, syempre pag binigyan ka ng opportunity, agad-agad kunin mo na. Once lang darating ‘yan, di ba? Baka umalis pa, wala na.” Sinabi rin niya na gusto rin niyang matulad sa former housemate niyang si Kit Thompson na nag-aartista na rin ngayon. “Pare-pareho lang kami ng mga pangarap sa buhay, pareho-pareho kami ng mga kagustuhan,” paliwanag niya. Nang tanungin kung magkakaroon siya ng proyekto, ang malamang sagot ng binata, “Abangan lang po ninyo.

Coincidentally, hindi lang pagiging artista ang pagkakapareho nina Kit at Yves dahil pareho rin silang na-link sa kanilang housemate na Myrtle Sarrosa, ang itinanghal na PBB Teen Big Winner.  Pinaninindigan ni Yves na hindi pa rin nagbabago ang feelings niya kay Myrtle. Naging kontrobersyal si Yves sa loob ng bahay dahil sa pagkaka-involve niya sa dalawang babae at the same time, kay Myrtle at sa best friend-turned-girlfriend niya sa labas ng bahay. Kaya naman nagkaroon siya ng reputasyon na pagiging playboy.

Sa isang exclusive interview sa kanya ay tinanong ng Push.com.ph kung isa ba siyang flirt. “Hindi ako flirt, parang madali lang akong (ma-attach) lalo na pag in love na ako. Nakakalimutan ko everything. Parang pag na-in love ako parang ‘yun na.” Dagdag pa ng binata,  ang nangyari raw sa PBB house na pagkaka-involve niya sa dalawang babae ay isang isolated case.

Sa ngayon, sinabi niya na nananatili silang friends ni Myrtle. Vocal naman si Myrtle sa pagsasabing sa ngayon ay friendship muna ang kaya niyang i-offer kay Yves. Nirerespeto naman umano ni Yves ang desisyon ni Myrtle.

Kung nagkaroon man daw ng hindi magandang impresyon sa kanya ang mga tao dahil sa nangyari sa PBB house, plano umano ni Yves na patunayan na kaya niyang magbago for the better. “Try ko ang best ko na mabago ang tingin ng tao sa akin.  Learn from mistakes. Paano ka matututo kung di ka magkakamali? Sinisigurado ko na sa pagkakamaling ito, darating ang araw na maibabalik ‘yung (magandang) tingin ng tao sa akin.” 
 
Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!
 
Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!
 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US