LAPIS: Ugat ng Pangarap

Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nakakikita ka ng lapis? Lapis na pinagmulan ng lahat. Ginamit upang simulan ang mga bagay-bagay mula sa maliliit na tahanang pampamilya hanggang sa mga naglalakihang guslali. Nariyan ang lapis sa lahat ng pagkakataon ng ating buhay. Kaya naman, sa tuwing nakakikita ako ng mga batang sa halip na lapis ang hawak ay saku-sakong simento, sako at kung ano pa man ang nasa kanilang mga palad at patuloy na dinaranas ang hirap at dusa dito sa mundong ibabaw. Dahil dito, minabuti kong pahalagahan sa aking sarili ang lapis na ito upang mapunan ang kawalan ng ibang batang kinaaawaan ko.

Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa tunay na halaga ng lapis. Hindi ko mawari ang sayang idinudulot sa akin ng bagay na iyon. ‘Tila kumpleto na ang araw ko sa tuwing lilipas ang araw na nahahawakan ko ang lapis at sa tingin ko, dito nagsimula ang lahat ng importanteng bagay sa buhay ko.

Naalala ko tuloy nang minsang mapagalitan ako ng aking ama dahil sa sobrang katigasan ng ulo. Iyon ang unang pagkakataon na dumampi ang kaniyang mga palo sa aking puwitan. Hindi man malakas ang palong iyon, nadama ko pa rin ang bigat ng kaniyang mga kamay na tila humampas sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya nagmukmok ako sa aking silid at sinubukang ihinga ang lahat ng sama ng loob sa aking lapis, isinumbong ko ang lahat ng aking balikong katwiran. Dahil musmos pa lamang ang aking isipan noong mga panahong iyon, hindi ko pa alam kung paano ang magalit kaya naman, inilapat ko na lamang ang aking lapis sa aking papel na itinago ko noong bakasyon sa kailaliman ng aking kama at sinimulang iguhit kung ano man ang pumasok sa aking isipan. Ngunit habang patuloy kong dinadami ang hagod ng lapis sa aking papel, unti-unti kong naiisip ang lahat ng aking mga kamalian sa buhay.

Minsan pa nga ay naianong ko sa aking sarili kung bakit kaysarap hawakan ng lapis at mas masarap pa sa pakiramdam kung makikita ko ang dulo nito na napakatulis, tila isang kutsilyong handang pumatay sa kung sino man ang may balak na putulin ito. Sa sobrang tulis pa nito, ako mismo ay natatakot na itong hawakan, dahil natatakot akong masugatan ng sarili kong lapis.

Sa paglipas ng panahon ay dahan-dahang nasisiwalat sa aking harapan ang realidad – ang natatanging bagay na kalianman ay hinding-hindi mapupudpod. Realidad na bumabalot sa bawat pagkatao at bintana ng hinaharap. Hinaharap na nagsimula sa iisang bagay – ang pagbuo ng mga pangarap. Mga pangarap na iginuhit sa isipan ng bawat nilalang at nagiging dahilan kung paano ila tatapusin ang larawan ng kanilang kinabukasan. Kinabukasang nagsimula sa pagkamit ng edukasyon sa bahay man o sa paaralan at edukasyong sinimulan ng bawat indibidwal sa pagkakamit ng lapis upang simulan ang pagguhit ng kanilang mga pangarap. Kaya naman, hindi na kataka-taka pa kung marami sa mga kabataang Pilipino ang ninanais magkaroon lamang ng kahit na isang simpleng lapis upang simulan ang pagguhit ng kanilang mga pangarap upang matamo ang edukasyon na inaasam-asam ng bawat nilalang.

Sa kabilang banda, hindi naman paaawat ang ilang sa mga Pilipinong nais makatulong at maipalaganap ang kahalagahan hindi lamang ng pagkakaroon ng lapis kundi ng pagkakaroon ng kaalamang bumuo ng pangarap gamit ang simpleng bagay gay ang lapis. Narityan ang Black Pencil Project na ginawaran kamakailan lang bilang isa sa mga Eat Bulaga ‘EB’ Heroes. Ito ay samahan ng mga litratista na tila nakikita ng tunay na ganda ng buhay sa likod ng kanilang mga lente. Mga taong simple lamang sa paningin ng madla ngunit higante para sa mga batang kanilang natutulungan. Hindi man sila nakpag-aabot ng tulong pinansyal, nakapagbibigay ngiti naman sila sa mga labi ng mga batang hindi alam ang paroroonan na nakakubli sa sulok ng ating bansa.

Sa simpleng pamimigay ng lapis kasabay ng kanilang pagsusuri sa ganda ng bansa ay naipalalaganap na nila kung gaano kahalaga ang magkaroon ng lapis upang simulan ang kani-kanilang mmga pangarap. Hindi man ako myembro ng samahang iyon pero nadarama ko mula sa kaibuturan ng aking puso na sila ay masasaya sa kung ano ang kanilang ginagawa, hindi dahil nakatatanggap sila ng maraming paakilala kundi dahil nakatatanggap sila ng maraming pasasalamat mula sa mga batang abot tainga ang ngiti dahil sa simpleng biyayang dala ng lapis.

Nang makilala ko ang samahan ng Black Pencil ay unti-unting nasagot ang ilan sa aking mga katanungan. Mula ng matutunan kong hawakan ang lapis ay kasabay nitong naitanim ang ugat ng aking mga pangarap;. Hindi lamang ng aking pansariling pagarap lamang kundi pati na rin ang mga pangarap ng iba pang kabataang kasabay ng aking henerasyon ns pstuloy na hinahanap kung paano makakamit ginintuang edukasyon. Sadyang kaysarap isipin na sa bawat lapis ay may nagtatagong mga munting pangarap na pinaplanong tupdin upang magkaroon ng magandang buhay para sa hinaharap.

Ang lahat ng mga propesyonal na nilalang sa mundong ito ay nagsimulang magkaroon ng kani-kanilang mga lapis, lapis na naging ugat ng kanilang mga pangarap at ngayon ay nagsisilbing modelo para sa mga kabataan ng bagong henerasyon na sabay-sabay bubuo ng mga bagong pangarap para sa pagkakamit ng inaasam-asam na ginhawa.
***

Author: Kristine Mae Ledda

Follow your heart, but always bring your brain with you.

She is a BS Architecture student of University of the Philippines Diliman and a member of Iglesia Ni Cristo (Church of Christ).

CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US