Pera Ba ang Dahilan ng Pagbabago?

OFW     (Photo Credit :  buhayofw2010-2015.blogspot)
Maaga siya kung gumising, isa siyang ulirang asawa at ama.  Sa araw-araw na nakikita ko siya,  ‘di ko siya kinakitaan ng reklamo sa buhay.  Walang bisyo, palabati at laging nakangiti, siya si Kardo, ang aking kapit bahay.  Isa siyang maglalako ng taho sa aming lugar at ang kanyang may bahay ay si Elsa; tatlo ang kanilang mga anak.
Isang araw habang nakatambay ako sa labasan, humahangos na dumating ang aking asawa.
”Papa, tumawag ang agency na pinag-aaplayan mo sa Middle East, sa Martes na daw ang alis mo’ “
Sambit ko sa asawa ko “eh! Linggo na ngayon“.
“Kaya nga ang sabi ng agency, kailangan mo na daw pumunta ngayon sa Manila kasi briefing n’yo daw sa Lunes at Martes na nga ang lipad ninyo.”

Sa madaling sabi, umalis ako ng bansa na wala man lang preparasyon o tamang pamamaalam sa pamilya at mga kaibigan.
Mabilis na lumipas ang taon at bago ko namalayan ay nakalimang taon na pala ako sa abroad.   Di ako nakapagbakasyon sa dahilan na tuwing babalakin kong umuwi, inaalok ako ng amo ko ng extra 3000 dollars kung ‘di muna ako uuwi, sa tawag ng pangangailangan, at dahil ipinapaayos ko ang aming bahay, lagi kong tinatanggap ang kanyang alok.
“Sa wakas”, sambit ko nang lumapag ang eroplano sa NAIA.  Na miss ko ang pamilya ko, binata at dalaga na ang aking mga anak, maraming pinagbago ang lugar namin.

Pagkagising ko ng umaga, tumambay ako sa harap ng pintuan at unang hinanap ng aking mga mata ay si Kardo.
”Ma…sina Kardo?’‘ sambit ko sa aking misis.
“Ay, ‘Pa, wala na sila diyan, meron na silang bahay sa may duluhan.  Di ko ba nasabi sa iyo, halos magkasunod lang kayo ni Elsa na umalis ng bansa, nasa Singapore siya at doon nagtatrabaho.”
“Eh, si Kardo ‘di na ba sya naglalako ng taho?” tanong ko.
Di na siya naglalako kasi sumobra ang ”Kaya” ng mag-asawa”, sagot ni misis.
Naglakad ako papunta sa bahay ng aking mga magulang upang sila ay bisitahin. Nadaanan ko sa may pondahan ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman. Merong tumawag sa akin, ‘‘Pare’,’ shot muna.”
Lumingon ako at si Kardo ang nakita ko, ibang-iba na siya; naka rayban at halos nabalot ng bling-bling ang katawan at nakayosi na din.  Lumapit ako at nangumusta at nag shot na din nang kaunti.
Dahil bibisitahin ko ang aking mga magulang, ako ay nagpaalam na.  Dumukot ako sa aking bulsa at nag-iwan ng 500 pesos, sambit ko pandagdag, ‘yon kasi ang kaugalian nating mga Pinoy.
”Pare, ‘di kami nanghihingi ng limos, kaya namin bumili ng inumin namin, yabang mo, akala mo, ikaw lang ang may dollars?” sambit ni Kardo sa akin.
Naikwento ko sa aking asawa ang inasal ni Kardo.
Sambit niya, “Hay naku, mula nang makapag-abroad ‘yang si Elsa, sumobra ang kayabangan sa katawan ng mag-asawa, kung makapanglait sila, wagas, wala nga ni isang kapamilya ang lumalapit sa mga yan.  Paano kung tawagin sila ”mga hampas lupa” at yang ‘si Kardo,  astang milyonaryo; babad sa inuman, sugalan at beer house.”
Ang tanong ko lang, bakit ganoon?  Ang taong dating hinangaan ko sa kabaitan at kababaang-loob, biglang naging kabaligtaran ang ugali? Paano ba nakikita ang tunay na pagkatao ng isang nilalang?
Kung siya ba ay mayaman o mahirap?
Sa makababasa nito, ilan sa inyo ang ganito o meron din bang ganitong pamilya sa lugar ninyo?  At sana, ‘wag baguhin ng pera ang ugali ng bawat isa.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US