Pagod na Akong Maging Magulang; Palit Kaya Tayo, Anak….

Dati masasabi ko na okey ang relasyon namin ng anak ko. Pinalaki ko naman siya ng mayroong paggalang sa matatanda, as much as possible huwag nagsisinungaling sa amin ng tatay niya, at kung may problema, ang unang bestfriend ang magulang. Tinatak ko din sa isip niya na ang magulang ay hinding-hindi iiwan ang anak sa oras ng kagipitan at ang magulang ang unang nakatatanggap sa mga pagkukulang ng anak, nagpapatawad kung may nagawang kasalanan at gumagabay patungo sa tamang landas.
Tumuntong ng highschool ang anak ko at medyo nag-iba na ang pananaw. Natuto nang husto sa karapatan daw ng anak ayun sa teacher niya. ‘Di niya alam matagal niya nang naeexercise yun sa buhay niya. Ang akala nyia pag lumagpas na ang anak sa 18 ok na, ‘di na dapat sumunod sa magulang, puwede nang lumipad, dahil sa bukambibig niya palagi na pag 18 na ako ganito ako …ganire…

Ganoon pa din ako sa kanya  gumagabay, hanggang sa dumating ang pagkasira ng aming tahanan. Nabuksan ang isip niya sa realidad ng buhay, kasabay nun ang nabigo sa unang pag-ibig hanggang sa nagkaloko-loko sa pag-aaral.

Kalaban na ang lahat, pakiramdam niya wala na siyang kakampi dahil sa bawat paliwanag ko sa kanya, masama na daw ang tingin ko sa kanya.

Mahirap….masakit para sa isang ina ang mapagsabihan na “ikaw na ina ko ang sama ng tingin mo sa ‘kin, wala akong silbi sa paningin mo” dahil all the while nandoon ako at nakasuporta sa anak ko.

Isyu ng pagbagsak sa subjects sa kolehiyo, wala naman akong kasalanan dito, dahil suportado naman siya sa mga pangangailangan niya, kahit halos igapang ko na at ‘di ko pa naiisip ang sarili ko. Sino ba ang nag-aaral sa kolehiyo…ikaw o ako? Mahirap kaya maging solo parent.

Isyu ng pagpapalit ng kurso, ni minsan ‘di ako ang pumili ng kurso niya…siya ang nagdesisyon, binigyan ko din siya ng choices, ‘di niya ako masisisi dahil doon..Eh yung choice ko dati, yun na ang gusto niyang kunin.

Isyu ng eskwelahan..Maganda naman ang standard ng Unibersidad kung saan siya pumapasok, ngunit dahil sa babae, gusto na namang lumipat para mapalapit ..eh di niya naalala bago siya mag-umpisa sa kolehiyo, tinanong ko siya sa paaralang pwede niyang pasukan, nagmatigas siya at ang pinili niya ang kanyang kasalukuyang eskwelahan…mali pa din daw ako…

Ewan ko kung bakit ang ina ay sadyang may foresight, na di naiintindihan ng mga anak. At sa oras ng kagipitan doon mo marerealize, deja vu, dumaan na tayo dito…pinag-usapan na natin t,o di ba…touche’.
Ang sabi ng nakakatanda kong kapatid na single, “Ano ba yan nanay ka, dapat ikaw ang nasusunod, magulang ka, ipakita mo yan sa anak mo”

Anong klaseng pagpapakita ba ng pagkamagulang ang dapat? Di ako nananakit ng anak…hindi ko kaya yun. Lumaki ang anak ko sa ugali ng ama niya na domineering, pag lasing nagwawala, minsan nananakit sa kanya..ngunit ako ang nanatiling tagapagpakalma ng lahat, hanggang sa nagsawa na din ako, ayokong mabuhay sa habambuhay na magulo, kung pwede din lang maging matahimik ang buhay namin at hiwalay ang last resort ko.

At yun ang iniintindi ko, anak na lang, na kung madadala sa usapan, eh di pag usapan. Di ko naman kinakalimutan na ina ako..hindi pa nga lumalapit ang anak, alam na agad ang problema, nakaagapay na. Naalala ko nga ang biro ko dati, may mata ako sa likod, kahit nakatalikod kasi alam ko daw ang ginagawa niya…hindi niya alam…sadyang magkadugtong ang pusod ng nanay at anak.

Minsan sinubukan ko ding diinan ang aking pagpapasya, nang nakikita ko na nalilihis na ng landas ang anak ko sa larangan ng pagpapasya. Pinaalalahanan ko siya.Minsa’y..”opo mama”, “opo mama” naman ang sagot nya…Minsan naman, “alam ko naman ang tama at mali po, huwag kang mag-alala“..na pinapaniwalaan naman ng bawat magulang…

Isang araw, lumapit siya sa akin, sabi niya gusto niya magtrabaho, yun pala networking. Sabi ko naman, pagtuunan mo muna ng pansin ang pag-aaral mo kasi yun lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo.

Ratsadang hindi ko alam kung saan galing ang binigay sa akin ng anak ko. Di ko alam kung saang dila niya kinuha ang mga salitang binitawan dahil lang sa umayaw ako. Nanay ako di ba…dapat alam ko ang tama..nakikita ko ang future para sa kanya…eh bakit di siya makinig…ikaw ba namang sabihan na di bale pag 18 na ako, ako na naman ang magpapaaral sa sarili ko…sus naman..eh ang mga may asawa nga minsan, lampas na kwarenta nakaangkla pa sa magulang, ngunit heto ang anak ko…nagpupumiglas gayong hindi naman nakatali…

Kesyo di daw ako nakikinig.."anong klaseng ina daw ba ako?"

..Ano pa nga ba ang kulang sa pagiging ina ko…Binigay ko naman lahat..kahit nga may nararamdaman na din ako sa katawan, sa halip na ipacheck up isang kibot niya lang..lipad ang dapat para sa check up ko…hin.di naman yun sa pagkukwenta pero yun ang katotohanan.

Madalas niyang sabihin, pag ako naging magulang open-minded ako, pakikinggan ko ang anak ko at hindi ko huhusgahan.

Sa katagang iyan ang sagot ko…”HINTAYIN MO NA MAGING MAGULANG KA…PARA MALAMAN MO KUNG PAANO MAGKAROON NG ISANG ANAK NA TULAD MO.”

Mahirap kaya maging magulang, at lahat naman tayo dumaan sa pagiging anak, at one time or the other naging pasaway din tayo, sumagot sagot sa magulang na akala mo alam mo na ang lahat. Akala mo inaapi ka…kala mo kaya mo na….pero pagdating sa panahong andito na ikaw na ang magulang….di ba isa lang ang masasabi ng lahat……tama si nanay…tama si tatay…..kung nakinig lang ako hindi sana di ako ganito ngayon..na siyang aking iniiwas…

Pagod na din ako maging magulang…alam mo ba….sana, anak na lang ako at nag-eenjoy ng buhay na ineenjoy ng anak ko….kain…tulog…eskwela..ewan ko kung may mahihingi pa dun…

Sana ako na lang ang nasa sitwasyon niya kaya….at nang maranasan niya ang pinagsasabi niya…Pero di ako masamang ina, alam ko yun sa sarili ko…tao lang din ako…nakapag-iisip ng kung ano-ano…pero para sa isang inang tulad ko…mahal na mahal ko ang anak ko…at sana pagdating ng panahon na magulang na din siya…sana di rin gawin sa kanya ng anak niya ang nagawa niya sa akin…..

Sana kung pwede nga lang ba magsalita …..time out na…resign na ako sa pagiging magulang….kayo naman….palit na lang kaya tayo.

Author: jessa maria
simple person who writes what's on her heart. often times with a wild imagination but nonetheless still adhere to reality....isang masayang separada (nalulungkot din minsan) ngunit ang isipin lang na may isang anak na dapat maitaguyod ay tama na para mabigyan ng inspirasyon at mabuhay...libangan ang pagsulat..pampabawas ng problema

CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US