Mahal Namin si TATAY sa Kabila ng. . . .

A Father’s Day Special (Ito ay hango sa kwento ng totoong buhay, hindi ng buhay ko kundi ng isang kaibigan)

ROMUALDO, Siya ang aking mahal na ama, siya ang dahilan kung bakit may buhay ako ngayon, sila ng aking ina. Mabait si tatay, maasikaso, malambing at mapagmahal. . . . . kapag hindi lasing, kapag nasa katinuan. Karaniwan na sa akin ang magkaroon ng sama ng loob sa ibang taong nagkakasala sa akin, kaya lang saglit lang naman, hindi nagtatagal. Halatang hindi ko sila kayang tiisin, lalo na’t m’yembro ng aming pamilya, kaibigan at mahal sa buhay. ‘Yong tatay ko, mahal na mahal ko ‘yon, pero mas mahal siya ng nanay ko. Hindi ko alam kung ano ‘yong napakalaking problemang naranasan ni tatay noong mga panahong hindi ko pa nasisilayan ang kagandahan ng daigdig, o kung meron ba talaga s’yang problemang hindi maamin amin? Hindi ko sigurado kung ang mga natatagong dahilang ‘yon ang s’yang naging mitsa kung bakit napakatamis ng mapait na alak para sa kanya. Masarap at malinamnam. Bata pa lang ako, ‘yon na ‘yong paborito niyang pagkalibangan, PASSION na n’ya yata ang pag-iinom. Kung trabaho lang siguro ‘yon, siya na marahil ang pinakamayamang lasinggero. Habang lumalaki ako’t natututo sa eskwelahan, unti-unti namang tumatatak sa aking isipan ang kanyang mga gawi, ang kanyang mga pananakit sa aking inang humihikbi.

Gusto kong ngang sisihin ang alak kung bakit nagkakaganoon ang aking ama, kaya lang hindi naman ito sasagot, mukha lang akong tanga. Pero sana, isa rin akong superhero na kayang salagin ang mga sampal at suntok n’ya sa nanay ko, may kapangyarihan sana ang aking mga palad upang pawiin ang kanyang mga luha, kapangyarihang magpapagaling ng kanyang mga pasa, kapangyarihang magtuturo kay tatay na mali ang kanyang ginagawa, na nasasaktan si inay kahit hindi n’ya nakikitang lumuluha, na sa bawat tilamsik ng kanyang laway sa mukha ni inay habang s’yay nagngingitngit sa galit, paninisi at pagbibintang ay umaasa s’yang ang lahat ng ito’y may katapusan. Ganyan ang tagpo tuwing gabi, magulo, magulo ang aming pamilya, isa lang ang dahilan, si tatay.

Ang gusto ko sana’y magkaroon ng katahimikan ang aming tahanan, ‘yong nagkakaisa kami’t nagtutulungan. Ganoon sana ang nasa isip n’ya. Sana balang araw ay makalimutan na niya ang kanyang mga bisyo sa buhay, alak at sigarilyo. Sana’y ang maalala niya’y may isa s’yang pamilyang naghihintay sa kanyang pagbabagong buhay. Ipinagdasal ko s’ya, paulit ulit, maraming beses. Sa kung sinu-sinong santo’t santang pinaniniwalaan ng karamihan at kay God na lagi lamang nandiyan, nakabantay. Matagal din akong naghintay ng kanyang pagbabagong buhay, hanggang sa dumating na nga ang araw na ‘yon. Araw na naalala na n’yang hindi pala masarap ang lasa ng kanyang piniling gawing bisyo. Araw na akala ko’y katapusan na ng lahat ng aming pagdurusa’t pagsasakripisyo.

Napalitan ang bisyo n’ya ng bagong bisyo, bisyong mas mahal pa sa dati niyang bisyo, mas masakit sa pakiramdam, mas mahirap dalhin at mas mahirap lutasin. GAMOT, kailangan niya ng maraming gamot. Sanhi ng kanyang paglalasing, ang bunga’y maraming malalalang SAKIT. Sakit sa puso, atay at baga. Kailangan ng habang buhay na gamutan at halagang hindi kayang tustusan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magluluksa sa biglaan n’yang pagkakasakit. Parang salamat kasi nawala na ang bisyo sa kanya at hindi na muli pang masasaktan si inay pero paano na ulit naming mararanasan ‘yong pagiging isang ama n’ya kapag hindi lasing?

Noong nangyari ang ganoon sa tatay ko, mas napatunayan kong walang kaparis ang pagmamahal sa kanya ni nanay, kung noong simula pa lang ay hindi na ito iniwan ni nanay kahit na nasasaktan at nahihirapan siya, ngayon pa kayang mas kailangan ni tatay ng pag-aaruga n’ya, ng tulong ko at ng aming buong pamilya. Si nanay ang nag-alaga sa kanya, mahigit dalawang taon ding nakaratay si tatay, walang lakas at walang kakayahang makipaglaro sa aming limang magkakapatid. Walang kakayahang muling makapanakit.

Noong nakaraang pasko, sinulit ko na ang pagkakataong makasama siya dahil alam ko at nararamdaman ko na ang unti-unti n’yang pag-iwan sa amin. Nagpakasaya ako kasama siya kahit na nalulungkot talaga ako. Hindi ko iyon ipinakita sa kanya dahil ayaw kong mas panghinaan siya ng loob dahil sa kalagayan n’ya. Pinilit kong ipadama sa kanya na kahit nagkaroon ako ng hinanakit sa mga nagawa n’ya sa nanay ko eh mananatili pa rin akong anak sa kanya at ama ko siya.

Niyakap ko siya nang mahigpit, mahigpit na mahigpit bago namin siya isugod sa Hospital. Alam kong huling yakap ko na iyon sa kanya kaya ipinadama ko iyon, ipinaalala ko sa kanyang “nagmamahal ako sa ’yo, itay”. Hanggang sa dumating na nga ang araw na ayaw naming dumating, natapos na ang paghihirap ni tatay at tuluyan na siyang mahihimlay. Makapagpapahinga na siya nang habang buhay. Masakit at nakakaiyak lalo na para kay nanay. Wala naman kaming magagawa kundi tanggapin na lang nang maluwag ang nangyari. Hanggang doon na lamang talaga siguro siya. Sa Hospital na siya binawian ng buhay, doon na din kami umiyak at humagulgol sa sakit at pagluluksa. Wala na si itay, wala na ang haligi ng aming tahanan.

Ngayong mahigit isa’t kalahating taon na ang nakararaan, medyo sariwa pa rin sa akin ang nangyari. Tuwing umaga, paggising ko, hinahanap ko siya, kulang ang tao sa bahay. Nasaan na kaya si tatay? Kapalit ng kanyang pagkawala ay aming pangungulila. Umuwi ka na itay, bumalik ka na. Malalim na ang gabi, nandito si nanay sa labas ng bahay, nakatulala, nag-iisa’t iniisip ka, malungkot ang mukha, lumuluha. Sige na, ‘tay, umuwi ka na. Nasa labas si nanay. . . . . . . HINIHINTAY KA!

author:  sherald salamat

CONTRIBUTE. Send your articles to  silentvoicepoints@yahoo.com. Subject on your email: The Blog of Innocence: SilentVoice Points. WRITE anything (any language). SHARE your views. REVIEW the latest happenings. CAPTURE every moment.

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US