Akala Ko Madali Lang; ‘Yun Pala….

Haaay, ang sakit ng balakang ko, paa, kamay, balikat at lahat lahat ng parte ng katawan ko!  
Ito ang reklamo ko noong first time kong magtrabaho.

Kakagraduate ko lang ng college last year, and dahil sa hilig ko sa computer ay may nakilala akong foreigner.  Two months lang kami nagchchat bigla na lang pumunta sa Pinas para magkakilala daw kami nang husto.  Ayun, nagkasubuan na.  Afterwards, umuwi na siya doon sa bansa nila.

Sobrang nalungkot kaming dalawa na malayo sa isa’t isa kasi nga nagkamabutihan na :) kaya nagdecide kami na magsama na dito sa bansa nila. Pumunta ako dito as a tourist, kasi pag Pinoy ka at bibisita ka lang naman dito sa Israel ay ‘di na kailangan ng visa.

Nakalusot din naman ako sa napakahigpit nilang security bago ako nakatuntong sa airplane. Simula noong isang buwan naming paggalagala sa Pinas hanggang four months naming ‘di nagkita ng bf  ko, sa wakas! nagkita na rin.  Nagpa-appointment agad kami for my visa and swerte at talino ko naman (ahem!) mula nung appointment date namin after two months and isang interview sa immigration nila, na-approve agad working visa ko base on our relationship..

Para na rin may sense ang working visa ko, naghanap bf ko ng trabaho para sa akin at para na rin makapag-ipon for the future. Pero, dahil sa hindi pa ako gaanong  marunong magsalita ng language nila ay hirap na hirap talaga akong makahanap ng trabaho.

Sino ba naman ang matututong mag-Hebrew sa three months na pamamalagi dito, ‘di ba? Kung kaya naman, sinabi ko sa bf ko, kahit anong trabaho kakayanin ko,.  Sobrang bored na kasi ako sa bahay at laptop lang kausap ko noon at gabi lang kami nagkikita.  Nakababaliw kaya mag-isa  at walang ibang ginawa kundi mag Facebook!  ^__^

 Oh hayan, nakahanap na sa newspaper, tinawagan at pinapunta ako agad kinabukasan para mameet ako at maipakita na rin kung ano mga gagawin kong trabaho.

Kinabukasan na-shock talaga ako sa dalawang loft apartment na pinasukan namin.  Ito na pala yun.

Buti na lang at ang boss ko ay mabait at medyo marunong mag-English.  Dito kasi, hirap sila makaintindi ng English.  Yung medyo may katayuan lang sa buhay ang marunong. Buti na lang pinoy ako at medyo nakakapagsalita ng Ingles, hindi  katulad nila dito na  karamihan talaga ay walang ibang alam kundi yes at no.

Pinakita na ni Manager kung anong mga gagawin ko.  Walang iba kundi magwalis dito, walis doon, wipe here wipe there! Hahays! sabi ko sa sarili ko..haaay madali lang, yan lang pala eh, pero ‘di ko man lang naisip na 18 floors pala yung wawalisan ko everyday at 6 elevators ang pupunas-punasan ko.  Akala ko madali lang.

Kung iisipin n’yo, madali lang talaga mag-walis at magpunas. Pero mahirap pala lalo na kapag may kasamahan kang worker din na uutus-utusan ka dahil baguhan ka lang at dahil rin sunod ka rin nang sunod sa utos n’ya kaya yun sinumbong ko kay bossing.

 Mga Pinoy sa ibang bansa kahit naglilinis lang kami, marangal ito at nagsisikap kami para “magkaroon”, hindi yung hingi nang hingi. At sa Pinas kasi kahit magtrabaho pa ng isang taon, ‘di ako magkakasweldo tulad ng  isang buwang sweldo ko dito.

Akala ko madali lang; yun pala masakit,…masakit sa katawan.  Wala nga talagang madaling trabaho.  Noong nag-aaral pa  ako,  sinasabi kong “Madali lang trabaho na yan”.

In my 20 years of existence in this world, first time kong magtrabaho; sa bansa pang wala akong kamuwangmuwang.  Marami akong nakasasalubong na mga Pinoy dito, na kasakayan sa bus at tren. Wala silang mga papel;ilegal kung baga. Wala silang visa kaya mga trabaho nila ay sa mga private house, naglilinis at mas malaki pa sahod per hour.  Tago sila dito, tago doon, para lang makapagtrabaho at makapagpadala ng pera sa pamilya. Kaya sa mga taong makakabasa nito lalo na yung may kapamilyang abroad, hindi namumulot ng dollar mga tao dito. :) 

Habang sinusulat ko to, it’s been one and a half month simula nang nagstart ako ng work, hanggang ngayon reklamo pa rin.  Sinasabi na lang ng isipan ko, ” Masasanay ka rin”. Sabi naman ni katawan ko, “Hahay! buhay, ang hirap maging mahirap” :) 
 
author:  angrybird







Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US