Si Corona at ang hustisya, si PNoy at ang pulitika, si Juan at ang demokrasya

Natapos na ang impeachment trial. Ito na kaya ang magiging simula ng pagbabago? Ito na kaya ang simula ng pagtawid natin sa tuwid na daan?

Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayang Pilipino, may karapatan akong ibahagi ang aking opinyon. Ang artikulong ito ay naisalin na sa wikang Filipino upang sa gayon, mas maintindihan ng samabayanang Pilipino ang sigaw ng isang kabataan, ng isang mamamayan.

Sa lahat ng isyung gumulat sa taumbayan, ang impeachment trial ang tinutukan. Higit 40 araw tayong naghintay, nakinig at nakialam. Higit 40 araw tayong nakasaksi ng kasinungalingan, ng katotohanang tinatakpan at pagkukunwari, pagmamalinis.

Hindi naman siguro kaila sa lahat na ang impeachment trial na ito ay isang malaking kamangmangan.

Hindi siguro alam ng karamihan na halos P5.7 million ang nagamit ng House of Representatives para lamang dito.

May 12, 2010 - Dalawang araw bago ang 2010 elections, hinirang ng dating Pangulong Arroyo si Renato Corona bilang pinakamataas na mahistrado sa bansa.

December 5, 2011 - Pinasaringan ni Aquino si Corona sa 1st National Criminal Justice Summit.

December 12, 2011 - Na-impeach si Corona sa House of Representatives.

January 16, 2012 - Binuksan ang Senate impeachment court para sa makasaysayang paglilitis.

Si Renato Corona nga ang kauna-unahang punong mahistrado na na-impeach sa kongreso. Ang impeachment ay may three grounds: betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution at graft and corruption; eight articles of impeachment.

Noong una, hindi maalis sa aking isipan ang totoong motibo ng ating pangulo. Ito ba ay may kaugnayan sa Hacienda Luisita? Ito ba ay para sa bayan? Ito ay para sa kaniyang pansariling kapakanan?

Nadinig ko ang iba't ibang pahayag mula sa media, sa taumbayan, sa mga hukom, mang-uusig at depensa, sa mga saksi lalo na kay Corona.

Hindi ko lubos maisip. Bakit kailangan pang isapubliko ang mga ebidensiya? Hindi pa man nakaharap sa impeachment court, inilatag na sa taumbayan ang mga dokumento. Ganito ba ang pagpapakahulugan nila sa hustisya?

Ipinapakita lamang ng impeachment trial kung ano ang mali sa ating bansa. Ang bansang ito ay binubuo ng mga taong nahahati sa mahirap at mayaman, makapangyarihan at sunud-sunuran. Tayo ay pinamumunuan ng mga taong inihalal upang tayo ay katawanin. Sa tingin mo ba ay matatawag mo silang lider o mas gugustuhin mong tawagin silang mga pulitiko? Mga lider na nagmamagaling. Mga pulitikong nagmamalinis.

Ako, bilang isang ordinaryong mamamayan, hahatulan ko ang hatol ng mga hukom at hindi si Corona.

Sa 23 mga senador, 11 lamang ang mga abogado, apat sa kanila ay aktor, dalawang sundalo, isang pulis, isang mamamahayag, tatlo ang nasa industriya ng pagnenegosyo. Anim na senador ang sumuporta sa pangulo noong nakaraang halalan. Anim na senador ang maaaring muling tumakbo sa susunod na halalan, lima ang magwawakas na ng kanilang termino. Ito ang maaaring nakaapekto sa hatol nila kay Corona.

Sa mga bumuto na i-convict ang mahistrado, iilan lamang ang nakitang tumayo at tumindig, ipinaglaban ang kanilang desisyon. Maaaring ang iba, nakigaya lang.

Katanggap-tanggap ang naging hatol Sen. Alan Cayetano, "Hindi ko matanggap ang interpetasyon ng batas ng pinakamataas na hukom ng bansa. Pesos, kahit confidential kailangan ideclare, dollar hindi?  Mukhang ginawang kumplikado ang simpleng-simple. Pati ba sa pera may diskriminasyon pa tayo?"

Matibay rin ang naging desisyon ni Sen. Guingona, "Ito ay isang pagbaluktot sa isang probisyon ng konstitusyon. This is constitutional perversion in its ultimate form. Ano ang aasahan nating tagapagtanggol sa SC kung mismong ang pinuno nito ang bumabaluktot sa batas? Ito ang hatol ko: ang nasasakdal ay hindi na karapat-dapat sa pagtitiwala ng sambayanang Pilipino."

Naging usap-usapan din ang mga binitawang salita ni Sen. Lapid, "Bilang HS grad, anong sasabihin ko na hindi marunong mag-Ingles, hindi maalam sa batas? Ano kayang magiging desisyon?"

Siguro nga ay ito na ang pagkakataon upang magkaroon ng panukala na dapat ay maging abogado ang isang senador upang maunawaan niya ang isang batas. Tama na may kumakatawan sa mga taong hindi nakapag-aral sa Senado. Ngunit tama ba na sa pagkakataong ito ay ipaubaya natin ang mga desisyon sa mga taong walang sapat na kaalaman sa batas? 

"Justice must not be merely done but also seen to be done. We must tell people that justice is applied equally," ang sinamit ni Sen. Osmena sa kaniyang talumpati.

Ang tanong, naging patas ba ang pamahalaan? Naging patas ba ang ating batas? Naging patas ba ang takbo ng ating pulitika? Naging patas ba ang bawat isa?

"I base decision on facts, not opinions aired outside of court; on testimonies, not theories; on arguments, not analysis," ang mga bahagi sa talumpati ni Recto.

Ang tanong ng iba ngayon, katanggap-tanggap ba ang pagharap ng ibang panig sa publiko? Mga nais baguhin ang nasa isip ng tao?

Siguro nga ay mapapaisip ang lahat sa salitang ito ni Sen. Revilla, "Ang panunungkulan ni CJ ay dapat walang bahid ni katiting dahil sa mandato ng kanyang katungkulan, kahalagahan posisyon."

Sa prosekusyon, senado, kongreso, sa administrayong Aquino,  naging malinis ba ang panunungkulan ng bawat isa? Walang bahid ni katiting?

Sa 23 senador, tatlo lamang ang tumayo at nanindigan sa kanilang TOTOONG desisyon.

"Ang panunungkulan ni CJ ay dapat walang bahid ni katiting dahil sa mandato ng kanyang katungkulan, kahalagahan posisyon. I cannot imagine removing a CJ on account of a SALN. Today, we are one step from violating the constitution, no one can stop us when we cannot stop ourselves. This is not law, it is only naked power as it was in 1972. " - Sen. Arroyo

"Bill of Rights stands supreme over powers of govt. Govt mustered all powers at its disposal in this case. CJ interpretation of law has been publicly criticized as flawed; public officials construe law in same manner." - Sen. Marcos

Sa lahat ng mga salitang aking narinig sa kabuuan ng Impeachment Trial simula noong una, dito ko itinuon ang aking isipan.

There is no conflict between the constitution and the foreign currency act. Constitutional provisions are not self-executory... Kayo sa House at kami sa Senate, tayo ang may problema, sa atin ang batas na yan!

Pagkatapos nito ano ang susunod?
Kung hatulan nating may sala yan, ibig sabihin lahat tayo honest.  Kung honest tayo, why is the PH always ranked as the most corrupt countries in the whole world?! Ano? Magmamalinis tayo? Magtitinginan tayo? Sino kaya dito?

Hinatulan na ang punong mahistrado. Respetuhin natin ang desisyon ng Senate impeachment court. Walang sinuman ang mas mataas kaysa batas. Ang tanong ngayon, sila ba ay bumuto para sa susunod na henerasyon o para sa susunod na eleksyon?

Ito na ba ang simula ng pagbabago? Ang pagbabagong patungo sa daang tuwid? Ang pagbabagong sisira sa hudikatura? Ang pagbabagong inaasam ng bayan? Ang pagbabagong magpapahina sa Korte Suprema?

Hindi sapat na nakikinig lang ang taumbayan at maging sunud-sunuran sa mga mapagkunwaring mga pinuno. Ang hamon ngayon kay PNoy, itigil na ang pagtatag ng korteng papanig sa administrasyon.

Nasaan ba talaga ang hustisya?

Anupa't silbi ng katotohanan kung sa simula ay hinatulan ka na ng taong nakapaligid sa iyo?

Pagkatapos ng lahat ng ito, ano ang magiging bukas ni Juan? Nasa kaniya pa rin ba ang demokrasya o muling uusbong ang diktatorya?

Ito ang totoong halimbawa ng isang buhay. Mapaglaro, mapagkunwari. Lahat puro kasinungalingan. Hindi mo alam kung nasaan ang katotohanan, bukas o isang araw ikaw na pala ang pinaglalaruan.

Ipinaglaban ni Corona ang kaniyang karapatan. Ipinagtanggol nia ang hudikatura.

Huwag nawang panghawakan ng administrasyon ang kapangyarihan.

Huwag nawang magbulag-bulagan si Juan. Bayan mo ang nanganganib. Ikaw ang dadanas ng sakit. Nasa iyo ang demokrasya. Nasa iyo ang kalayaan. Nasa iyo ang pagbabago.

Huwag nawang humantong lamang sa isang salita.

Naging bahagi ito ng kasaysayan. Nakaukit na. Naimulat sa mga kabataan.

Ngayon, kailangan ni Juan ng isang mataas na pamantayan ng panunungkulan, mataas na uri ng panunungkulan. Kailangan ni Juan ng mga pinunong handang maglingkod, pamunuan ang sambayanan.

Ang hamon sa mga nasa katungkulan, PIRMAHAN ANG WAIVERS. BAGUHIN ANG BATAS. SUMUNOD.


Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US