Pwede Mo Ba Akong Tawaging NANAY?

Shit!!! Positive!


The Baby    (Photo Credit :  Uhcg.org)



Pasensya na, baby, pero, ‘di ko inaasahang dumating ka na sa buhay ko.  Sa totoo lang, ‘di ko alam ang gagawin ko.  Kababalik lang naming dalawa ng boyfriend ko, pero ‘di siya ang tatay mo.  Nagkaroon lang naman kami ng
kaugnayan ng tatay mo nung mag-break kami.  Pasensya na; tao lang ako, ‘di ko naman akalain na babalikan ako ng boyfriend ko at mabubuntis ako.  Nung malaman ng boyfriend ko, hiniwalayan n’ya ako agad.

Ok lang naman kung dumating ka sa buhay ko; narealize ko na dapat maging masaya kasi may makakasama na ako.  Matagal na rin ang paghihintay, ang pag hingi ko sa Diyos na may makasama habang buhay; di man asawa, mas ok ngayon dahil hinayaan niya akong magkaroon ng anak.

Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko; dumating yung point na sobrang saya ko – ang dami kong inisip na plano para sa ating dalawa, partners in crime ba. Marami akong ituturo sa iyo, marami tayong pupuntahan at magiging masaya tayong dalawa.  Kaya naman kitang buhayin mag-isa dahil may trabaho naman ako, kahit marami akong utang – alam ko kakayanin ko.
Sinabi ko sa tatay mo thru phone na buntis ako – sabi niya mag-usap kami nang personal.  Dumating siya, tinanong ko sa kanya kung ano ang gagawin ko, sabi n’ya pananagutan n’ya tayo.  Ang sabi ko, paano mo kami pananagutan e binuntis mo yung ex mo at pilit siyang humihingi ng kasal sa ‘yo?  ‘Di mo nga ako kayang ipaglaban eh, so paano?

Sabi niya, ako daw ang pinili niya, kaya nga hanggang ngayon nandito pa siya sa lugar natin.  Sa isip ko, ayokong maniwala, baby, kung kaya niyang ‘di ako ipaglaban noong una, what more ngayon na masyado ang pressure.

Sinabi ko sa nanay kong nasa ibang bansa; sobrang nadisappoint siya sa akin.  Nagtanong siya kung pananagutan tayo ng tatay mo, sinabi ko kung ano sinabi ng tatay mo, pero di humaharap yung tatay mo kay nanay.  ‘Di ko tuloy alam kung ano gagawin ko;  kung pagtatakpan ko ba siya.

Lumipas ang mga araw, nag spotting ako – sabi ng doctor delikado ang pag bubuntis ko sa ‘yo, pasensya na; naapektuhan ka sa mga nangyayari sa buhay ko.  Alam kong nararamdaman mo ‘yung lungkot, galit at pagkalito.  Sorry talaga, baby. Baby, ikaw ang mahalaga sa akin at gagawin ko ang lahat, maging safe ka lang.

Kung tatanungin mo kung nasaan yung tatay mo, wala siya palagi.  Pupunta lang siya pag tinext o tinawagan ko siya, wala siyang initiative o  amor sa ating dalawa.  Hindi ako humihingi ng tulong pinansyal sa kanya dahil ayokong sumbatan niya ako in the future.

Sa tingin ko tama lang ang ginawa ko na ‘di sabihin sa office kung sino ang tatay mo, dahil nararamdaman kong ‘di tayo mahal ng tatay mo.  Pero dahil magka- opisina kami, pinagkalat niyang siya ang tatay mo at pananagutan tayo.  Naiinis ako, baby, kasi nararamdaman ko naman na ‘di tayo pananagutan ng tatay mo, pero bakit niya ginawa yun.

Nababaon na ako sa utang, baby, ang mahal pala ng gamot pampakapit, vitamins at check up sa doctor.  Pero ok lang basta malaman kong ok ka, gagawin ko ang lahat.  Tinutulungan naman ako ng mga kaibigan ko – sobra sobra nga ang pagtulong nila sakin.  Kung hahanapin mo yung lola mo, ‘wag mo siyang alalahanin, kasi merong mas nangangailangan sa kanya (ang tita at ang pinsan mo) – pero sana man lang kahit papaano tulungan niya tayo.

Dumating yung araw na ineexpect ko.  Sumama sa ex niya yung tatay mo at ‘di na pumasok sa opisina – ipinalalabas nilang pinikot siya pero ‘di ako naniniwala, ginusto niya yun, masyado na ang pressure na nararamdaman niya dahil sa atin at ‘di niya kayang totohanin ang mga pangako niya.  Ok lang; anticipated ko naman ito, pero ang ‘di ko kaya kung ano ang sasabihin ng Nanay ko.

Tumawag ako kay nanay, sinabi ko ang lahat – tanggap n’ya yung nangyari sa tin, sobrang saya ko at lungkot ko at the same time, kasi for a very long time napagalitan ako.  Ok lang, mas masaya nga ako ngayon dahil wala na akong iisipin pang iba kung ‘di ikaw lang, at sabi ni nanay tutulungan niya tayo.

Binalikan ako ng boyfriend ko, sabi niya pananagutan niya ako, bibigyan ka niya nga pangalan at magiging masaya tayo bilang pamilya.  Masaya ako, baby, kasi magkakaroon ka ng ama, kahit ‘di s’ya ang tunay mong tatay – ituturing ka n’ya bilang kanya.  Pasensya na, baby ,gusto ko lang naman lumabas ka sa mundo na may maituturing kang ama.

Nag-spotting ulit ako, this time sumasama na ang pakiramdam ko.  Sabi ng doctor kailangan ko ng mahabang bed rest.  Mag-isa lang ako, baby, pero mag- iingat ako nang husto para sa safety mo.

 Humingi ako ng tulong sa boyfriend ko, pero bigla siyang nawala.  Nagfofollow up ako ng tulong kay nanay, pero ‘di siya sumasagot sa mga emails ko.  Malungkot ako, baby, kasi naiwan na naman tayo.

Nung nag ta-travel ako pauwi galing sa check up, naaksidente ang sinasakyang kong jeep.  Sinugod tayo sa ospital, akala ko ok ka, pero kinabukasan sabi ng OB wala ka ng heart beat.  Sobrang sakit, baby, bakit pati ikaw?  Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba partner tayo? Bakit? Mag isa na naman ako……

Sa tulong ng mga kaibigan ko, nairaos yung mga gastusin ko sa ospital pati na ‘yung sa maayos mong libing.  Pero nung malaman ng Nanay ko ang ginawa ko kinuwestyon niya kung bakit ka pa binigyan ng maayos na libing e ilang buwan ka pa lang.  So loob-loob ko, tao anak ko, kahit nagkaroon ako ng pagkakamali at kasalanan, walang kinalaman ang anak ko, sana man lang ‘wag ibunton sa kanya kung may galit man silang nararamdaman sa ‘kin.

Baby, pasensya na ha, sobrang gulo ng buhay ng nanay mo.  Siguro kaya ka umalis.  Pero naisip ko, sana kahit wala ka na at pag nagkita tayo, kung nasan ka man ngayon, p’wede mo ba akong tawaging nanay? 


Alam ko may dahilan ang Diyos kung bakit n’ya hinayaan ang mga ito.  Sana marealize ko na ‘yung mga plano niyang yun, at sana bulungan mo ang Diyos na patnubayan ako.  ‘Di man kita nakasama dito, alam kong lagi mo akong sinasamahan.  Tulungan mo rin ako sana na maka-move on.  Salamat, dumating ka sa buhay ko, baby, salamat.

Paalam mahal kong anak.  Sana malaman mong mahal na mahal ka ng nanay mo.

Pwede ba, baby? Pwede mo ba akong tawaging Nanay?

 desperada

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now!

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US