PBB Teen Edition 4 Update - April 10, 2012

Hello, Housemate!

Nakikipagkilala na ang mga teens sa mga kasama nila sa bahay. Itong si Clodet, mukhang inaalam na ang mga ugali ng mga kapwa Housemate niya. Kahit na naka-goggles ang kausap at hindi siya makita, kinakausap pa rin ang kasama. Alam ni Clodet na malakas ang personality niya at may tendency na i-domina ang conversations kaya nagpapasintabi na ngayon pa lang. "Alam kong may kadaldalan ako," sabi niya. "Kaya mas gusto ko rin na pag hindi niyo gusto ang ginagalaw ko, sabihin niyo lang kaysa magkailangan tayo dito." Tama ka diyan, Clodet!

Adjusting to PBB life

Nasa resort ang ilan sa mga boys ngayon na naka-goggles pa din. Kahit hirap, sinusubukan pa din nila na maging normal ang buhay sa loob ng bahay. Sabi pa ni Alec, minsan nga daw ay nalilimutan niya na may cameras at maaalala niya lang ito kapag pumasok na sa banyo. Ang feeling daw niya sa dalawang araw sa loob ay parang nasa bahay lang daw siya kasama ang mga kaibigan.

Boys talk sa bedroom

Kung ang mga boys eh iniisip ang buhay bahay, ang mga girls eh sila naman ang pinaguusapan. May lively discussion sa loob ng girls' bedroom tungkol sa kanilang impressions sa boy housemates. Si Alec daw ay mukhang matalino. Si Kit naman daw impressive dahil marunong magluto. Si Jai ay patuloy pa din sa kanyang pagpapanggap bilang gay twin ni Joj at nagpapaka-insightful sa opinion niya about the boys. 

Timmy fever

Parang nahahawa na ang mga girls sa pagsasalita ni Jai aka Timmy. "Parang alang zipper ang bibig!" natatawang sabi ni Clodet, na sinangayunan naman ng other housemates. Sa susunod daw ay pati sila ay walang preno na din kung magsalita. 

Kwento-kwento

Kumpulan ang teens ngayon sa loob ng bahay at, as expected, ang ingay talaga ng kwentuhan nila. Tawanan at kantahan ang nangyayari sa loob at kahit ang iba sa kanila ay naka-goggles, mukhang wala namang feeling left out. Niloloko pa nga nila si Alec na sinasabihang "ang gwapo mo talaga!" Bilib din sila sa cosplayer na si Myrtle, telling her that she's so talented. O di ba? Dalawang araw pa lang, bonding na talaga!

Kabataang Pinoy

Busy ngayon ang mga girls sa pag-choreograph ng bagong steps sa theme ng Teen Edition na "Kabataang Pinoy." Nangunguna sa pagtuturo ng steps si Karen pero marami ding good suggestions ang ibang girls para mapabilis ang gawain. Parang walang kapaguran ang mga girls dahil kahit after ng game sa Uber ay full bat pa din sila!



Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!
 
Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US