Ang Tatay Ko….. OFW

Ako ay ipinanganak sa isang maliit na pamilya. Dalawa lang kaming magkapatid na parehong babae at ako ang bunso. Lumaki kami  na ang madalas na kasama ay si Nanay. Wala kaming kasambahay,kaya lahat ng kailangan si Nanay. Sa lungkot at saya kay Nanay. Basta lahat kay Nanay.



Si Tatay? Maliit pa lang kami si Tatay laging nadedestino kung saan-saan. Foreman Electrician kasi sya. Kaya lagi siyang wala. Lingguhan ang uwi. Hanggang sa makapag abroad sa Saudi  bilang OFW.

Noon,hindi pa uso ang taunang uwi ng OFW at OCW (Overseas Contract Worker) pa ang tawag.  Umuuwi si Tatay sa Pinas tuwing dalawang taon,mula 1979 hanggang 1991.Tagal no? At sa panahong yon,hindi naging issue sa akin na lagi siyang wala. Ok lang naman, kasi nandyan naman si Nanay. Hindi kawalan kasi alam naman naming kung nasaan sya.
Basta ang alam ko nasa abroad sya kasi para sa amin. Para mabili naming ang gusto namin, makain naming ang gusto namin,makapag-aral kami sa sa exclusive at private schools at makasunod kami sa uso.
Tuwing nagbabakasyon sya, naiilang ako.Kasi feeling ko may ibang tao sa bahay. Hindi nga kasi ako nasanay na may lalaki sa bahay.  Ang tatay ko.

Ganun lang ang naging takbo ng buhay. Kung kung paano ko ituring si Tatay. Hanggang mag college ako.  Nang mag-retire na si Tatay, unti-unti nasanay na ako na nandiyan sya. Ok lang naman. Ayaw ko lang kasi naninigarilyo sya at ayaw ko talaga ang amoy ng sigarilyo. May hika kasi ako.

Unti-unti nakilala ko si Tatay. Naramdaman kong kumpleto ang pamilya. Masaya kasi buo.

Hanggang nagkapamilya ang ate ko. Si Tatay ang laging nag-aalaga sa mga apo niya…. Isa… dalawa… tatlo… apat…. hanggang naging lima noong ako naman ang nagkapamilya. Masipag si Tatay mag-alaga ng mga apo. Walang reklamo kahit laging karga ang gusto ng alaga.  At masipag magpasyal para aliwin ang apong alaga….

Ang naging asawa ko ay isang OFW rin kaya nakakarelate ako. Naisip ko sanay ako sa buhay na ganun kaya kakayanin ko. Hindi ako mahihirapan mag-adjust kasi si Tatay ganun din naman. Hanggang magpasya ang asawa ko na kunin kami ng anak ko at dalhin kami sa Riyadh.

Ayaw ko sana kasi may maganda naman akong trabaho sa Pinas. Pero nun naisip kong lumalaki na ang anak namin na hindi nakikilala ang ama niya, naisip ko ayaw kong mangyari sa anak ko na malayo ang loob sa ama niya, katulad ko,lalo pa at lalaki ang anak ko.

Tatlong taon na kami sa Riyadh noong nagkasakit si Tatay. Hanggang unti-unti na siyang ginupo ng sakit niya.. sa kidney. Nawala siya pagkatapos ng isang taong pag da-dialysis.

Grabeng iyak ko kasi guilty ako. Pakiramdam ko ang dami kong nasayang na panahon para kilalanin siya si Tatay. Naging kampante ako na nandiyan naman na siya.  Hindi ko naisip na darating ang panahon na maaaring mawala siya…

Sa isang banda, naisip kong blessing na hindi ako nakauwi noong namatay sya.  Seven months pregnant kasi ako sa bunso ko at nde na pwedeng magbiyahe. Sa mga panahong iyon inisip ko na lang na nasa abroad pa rin sya.  Na OFW pa rin sya, para hindi masyadong masakit. Hindi ko na inisip na hindi ko na sya makikita pa. Hindi na siya uuwi para magbakasyon. Hindi na naming sya makikita kapag kami naman ang nagbakasyon.

At ngayon na para na rin akong OFW, nakikita ko ang hirap na dinaranas ng isang OFW…. Gaya ni Tatay. Ang hirap na pinagdadaanan. Hirap ng katawan at kalooban. Palaging naisusulat na napakasakit malayo sa pamilya. Madaling sabihin na ok lang yan dahil para sa pamilya naman pero iba pala pag ikaw na ang nakakaranas.

Itong buwan na ito 3rd year Death Anniversary ni Tatay.  Ilang beses ko man isipin, hindi na maibabalik ang panahon na nandiyan sya. Pero isa lang ang alam ko, gaya ng ibang tatay maging mga nanay na OFW, dapat natin bigyan ng pagapapahalaga ang lahat ng kanilang paghihirap.  Habang hindi pa permanente ang pag-alis nila,habang nakakapagbakasyon pa sila at nakakabalik sa piling natin.

Tatay, saan ka man naroon ngayon, hindi ko man nasabi sa iyo noong nakakapagbakasyon ka pa para makasama kami… MAHAL NA MAHAL KITA.













    var message = "Thanks for visiting our web site. The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com or click here. You may want to advertise with us. For more information, email us or click this. Follow @silentvoicepoints on Twitter.";
    function rtclickcheck(keyp){ if (navigator.appName == "Netscape" && keyp.which == 3){     alert(message); return false; }
    if (navigator.appVersion.indexOf("MSIE") != -1 && event.button == 2) {     alert(message);     return false; } }
    document.onmousedown = rtclickcheck;
-->Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points.
Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now!

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

SEARCH

Translate This Blog

Featured on

Featured on

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US

ADVERTISE WITH US